Maine mabenta sa ‘manggagamit’

MANILA, Philippines - Maraming naguguluhan sa lovelife ni Maine Mendoza. May mga binata kasing pilit na inili-link sa kanya para bumongga ang career sa showbiz. Unfortunately, bukod tanging si Alden Richards ang lumulutang sa mga itinutukso sa dalagang bulakenya.

Problema ito ng teleseryeng malapit na kunong ipalabas dahil baka tumabang sa panlasa ng mga manonood ang said series dahil alam nilang pakulo lang ito ng tambalang AlDub.

Kung dati ay na-link din kay Maine si Derrick Monasterio, ngayon naman ay lumulutang ang pangalan ng komedyanteng si Sef Cadayona kaya super stress tuloy si Andrea Torres, ang rumored girlfriend ni Sef.

Matunog din na nanliligaw umano ang anak ni Bossing Vic Sotto na si Vico kay Maine.

Alin kaya ang totoo at sino kaya talaga nagmamahal ng todo kay Maine? Well sa totoo lang mahirap hulaan kung sino talaga ang nagmamahal, hangga’t sikat na sikat si Maine.

Hintaying lumamig ang kasikatan ng dalaga, sa totoo lang mistulang history repeat itself sina Maine at Alden sa pag-iibigan noon nina Tirso Cruz at Nora Aunor na nauwi sa bula ang lahat.

Magulang ni Harvey mega proud sa Ilawod

Masaya si Mayor Herbert “Bistek” Bautista at Madam Tates Gana dahil marami ang pumupuri sa anak nilang si Harvey Bautista sa pelikulang Ilawod na idinirek ni Dan Villegas.

Type nga sana ni Mayor na magtapos muna ng pag-aaral ang anak pero masidhi itong mag-artista.

Hindi naman daw kasi nakakasagabal kaya okey lang at pinayagan ang anak na nagbibinata na.                   

 

Show comments