Barbie nagsalita sa bintang na pagdodroga!

Barbie Forteza

Masaya ang presscon ng unang pasabog ng GMA 7 primetime block, ang Meant To Be na mapapanood na simula sa Lunes, January 9, pagkatapos ng Alyas Robin Hood.

Itatampok dito ang tweenstar na si Barbie Forteza, kasama ang apat na bagong leading men niya, sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj, sa direksyon ni LA Madridejos.

Unang tawanan ay nang tanungin si Direk LA kung bakit si Barbie ang piniling gumanap na Billie, ang typical millennial na maraming issues sa buhay, samantalang marami raw namang ibang mahuhusay na artista sa GMA 7.

“Si Barbie po ang original choice ng management, ng production,” sagot ni Direk LA.  “She’s bubbly, para nga siyang naka-drugs sa eksena, kahit anong ipagawa mo sa kanya gagawin niya. Napanood ko siya sa mga una niyang shows sa GMA and her dedication sa trabaho, ngayong dinidirek ko na siya, hindi ko maisip na ibigay pa sa iba ang kanyang role. She will not stop on anything, basta matupad lamang niya ang pangako niya sa kanyang pamilya, kayang-kaya niya itong gampanan.”

Natanong naman si Barbie, bakit kailangang siya at ang kanyang teleserye ang dapat unang ipalabas ng GMA 7?

“Una po muna, hindi po ako nagda-drugs, malinis po ako,” nakangiting sagot ni Barbie. “Aminado po akong may pressure nang malaman kong tatlo kaming teleserye na sisimulan ng GMA sa first quarter of the year, kaya natuwa ako na kami ang mauuna. Ang hirap pong pantayan ang AlDub (Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza) at si Ms. Jen (Jennylyn Mercado sa My Love From The Star).  Basta, promise po namin na hindi kami mapapahiya sa inyo.”

Kasama rin sa bubuo ng cast si Ms. Gloria Romero na masayang may bago siyang teleserye sa GMA at ibang-iba raw ang role na gagampanan niya, kasama muli si Barbie at ang Triplets na sina Manilyn Reynes, Tina Paner at Sheryl Cruz.

Nasa cast din sina Keempee de Leon, Sef Cadayona, Zymic Jaranilla, Stephanie Sol, at Mika de la Cruz, sa first soap niya sa GMA.

Keempee kumilos na para sa anak

Clueless pa rin pala si Keempee de Leon kung bakit siya tinanggal sa Eat Bulaga. Nagpapasalamat siya sa GMA7 dahil muli siyang binigyan ng work, after ng Little Nanay a few months ago.

Nasa cast siya ngayon ng Meant To Be kung saan gaganap silang mag-asawa ni Manilyn Reynes at anak nila sina Barbie Forteza at Zymic Jaranilla. One year na raw siyang wala sa noontime show pero wala man lamang kahit isa sa production at sa mga producer ang nagsabi kung may nagawa ba siyang kasalanan.

Nag-try daw siyang mag-reach out even sa mga concerned pero wala siyang nakuhang sagot.  Even his dad, Joey de Leon, ay tinanong niya, pero wala rin daw itong naisagot sa kanya.

Pero kailangan daw niyang kumilos dahil may 15-year old daughter siyang sinusustentuhan, kahit wala ito sa kanya at nakatira sa lola nito.

May mga friends siyang tumulong sa kanya at muli nga ang pasasalamat niya sa GMA7 dahil may trabaho na siya muli ngayon. Thankful din siya at muli niyang nakasama ang mga kasabayan niya noon na sina Manilyn, Tina at Sheryl.

 

Show comments