Family first Sarah mas piniling ka-duet ang tatay kesa kay Matteo

Sarah Geronimo

Nasabik ang fans ni Sarah Geronimo kaya sumugod sila sa nakaraang concert niya sa Kia Theater, huh! Eh, may agam-agam nga ang Pop Star Princess bago ang concert niya dahil matagal din siyang nanahimik, huh!

Eh sold-out ang concert ni Sarah kaya naman ganadung-ganado siyang kumanta at umindak-indak sa stage, huh! Idagdag pa riyan ang pagiging inspirado niya ngayon kahit absent ang boyfriend na si Matteo Guidicelli, huh!

Isa nga sa highlights ng concert ay ang duet ni Sarah sa kanyang Daddy Delfin. Kahit may Matteo na, never pa rin tinalikuran ng Pop Princes ang kanyang mga magulang.

Dahil sa sakit na lupus, Rep. Villar ‘di inasahang magkakaasawa

One for the books ang nangyari sa personal na buhay ng DIWA (Democratic Independent Wor­kers Association) Party List representative na si Emmeline Aglipay-Villar, asawa ni Public Works Secretary, Mark Villar.

Imagine, 2007 nang ma-diagnose siyang may sakit na lupus, isang auto-immune disease. Pero bago ‘yon, dumanas siya ng katakut-takot na hirap sa katawan at hindi niya inakalang malalampasan niya ‘yon.

Ikinuwento ni Atty. Emmeline ang nangyari sa kanya bago naging maayos ang kalagayan at hitsura. Pampelikula ang istorya niya, huh!

Dumating nga sa puntong ayaw na niyang mag-asawa. Una ay dahil baka hindi siya magkaanak. Kaya naman daw nang umaligid sa kanya si Sec. Mark nu’ng magkasama sa Kongreso, inayawan niya ang anak ni Senator Cynthia Villar.

“Sino ba ang lalaking ayaw magkaroon ng anak. Pero persistent si Mark at napakabait na tao. Thank God dahil nang sabihin sa akin ng doctor ko na puwede akong magkaanak, lumabas ang first baby naming si Emma,” saad ni Atty. Villar nang humarap siya sa media.

Dahil sa sakit na lupus, ilu-launch niya ang Hope for Lupus Foundation ngayong December 4 sa Cultural Center of the Philippines. Magkakaroon ng exhibit na Lupus Warriors at isang musical play na Mabining Mandirigma ni Nicanor Tiongson ka-partner ang University of the Philippines - PGH Rheumatology Department.

Isa itong steam-punk dance musical tungkol sa buhay ni Apolinario Mabini. Gaganapin ito sa CCP, 3:30 p.m. at lahat ng proceeds ay ibibigay sa Bridging Lupus Fund para sa mahihirap na pas­yente ng lupus sa PGH.

Si Atty. Emmeline ay isa sa anak ni Gen. Aglipay at first cousin ng namatay na si Rico Yan.

Under medication pa rin siya at umaasang lala­wak ang public awareness ng mga tao sa lupus after ng launching ng foundation.

Takot manglamon sikat na sexy star ‘di mahanapan ng leading man!

Gustong kunin ng isang baguhang indie producer ang isang sikat na sexy star upang magbida sa gagawing mo­vie.

Kaso, dini-discourage siya ng na­ma­ma­­hala sa production. Una, mahigpit ang ma­nage­ment ng sexy actress at baka hindi basta payagan. Panga­lawa, mahirap hanapan ng kapareha ng sexy actress. Baka lamunin niya ang aktor na kapareha dahil sa malakas at matapang nitong hitsura.

Kaya ang payo sa producer, kumuha na lang ng artista sa ibang network dahil mas madaling kausap ang mga namamahala sa artista roon, huh!

Show comments