Angeline
Angeline pinapatos lahat ng trabaho!
SUPREMO - Baby E (Pang-masa) - November 9, 2016 - 12:00am

Wala ring inaatrasang trabaho, Salve A. itong si Angeline Quinto, na kilala rin bilang Queen of Theme Songs, dahil siya ang madalas na naaatasan ng ABS-CBN na umawit ng theme songs ng kanilang mga teleserye.

Heto at siya pala ang bida sa Cinema One Original entry na Malinak Ya Labi, directed and written by Jose Abdel Langit.

Eh, ‘di ba, kararating lang niya from a series of concerts abroad with rumored boyfriend, Eric  Santos. At bago umalis para sa mga nasabing concert, may tinapos din siyang movie sa Regal Entertainment.

Sa ngayon, nagri-rehearse si Angeline para sa kanilang concert sa November 11 sa Araneta Coliseum, ang Divas: Live In Manila at ang mga diva na makakasama niya ay sina Yeng Constantino, KZ Tandingan at Kyla.

Directed by Paul Basinilo, with musical direction by Ria Villena-Osorio, guest performers include K Brosas at Jaya.

Tungkol ang Malinak…. sa isang matanda nang kaugalian sa ilang bayan sa Pangasinan, kung saan kinakailangang pumatay ng hayop at iwisik ang dugo nito sa isang building na itatayo. Ito raw ay para maging matibay ang structure nang sa ganoon ay magtagal din ito.

Kinailangang magsalita ng language ng lugar si Angelline. Kung saan kinailangan niyang mag-aral ng salitang Pangasinanse.

Nagpapasalamat siya sa direktor at mga ka­sa­ma sa pelikula na sina Allen Dizon, Richard Quan, Menggie Cobarrubias, Lus Fernandez at Raquel Villavicencio na pawang napabilib din sa kanyang pag-arte.

The Cinema One Originals will run from November 14 to 22. Screening will be sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheqe.

Paulo aminadong malayo pa sa acting nina Dingdong at Angelica

Unang pelikula pala ni Paulo Avelino sa Star Cinema ang ngayon pa lang ay hinaluan nang “best drama movie produced this year”, ang The Unmarried Wife.

Ang nasabing pelikula ay base sa script na isinulat ni Vanessa Valdez.

Ito rin ang unang beses na makakasama niya sa isang project sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban. At first time niya rin na maidirek ni Maryo delos Reyes.

Kumpara raw kina Dingdong at Angelica na nakapagtrabaho na sa dalawang pelikula (Segunda Mano at One More Try) aware raw siya na pagdating sa aktingan, hindi pa siya kasing galing nila. Kaya nga raw isang malaking challenge na makaeksena sina Dingdong at Angelica.

But as Direk Maryo assured him, he did a good job. Kaya, no worries daw, saad ni Paulo na abot tenga ang ngiti.

Simula noong naging Kapamilya si Paulo, na dating contract talent ng Kapuso, hindi na huminto sa pagka­yod si Paulo. He is proud that one of his earlier projects with the Kapamilya, Bridges of Love, where he co-starred with Jericho Rosales at Maja Salvador, was nominated for drama sa katatapos na Emmy International Awards.

Isang teleserye raw ang nakatakdang muling gawin ni Paolo next year.

Snooky pakakasal na sa dyowang senior citizen

Baka raw pakasalan na ni Snooky Serna (52) ang kanyng 60 years old na businessman-boyfriend soon.

Dating kasal si Snooky sa aktor na si Ricardo Cepeda, kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak na babae na ngayon ay mga dalaga na. Annulled na rin ang kanilang kasal ni Ricardo.

Common knowledge na mayroon na ring ibang mahal si Ricardo, ang former ramp model-turned-actress na si Marina Benipayo.

Magkasama sa seryeng Hahamakin Ang Lahat ng GMA 7 sina Snooky at Marina.

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with