Barbara todo dasal sa pagkapanalo ni Pacman

MANILA, Philippines – Super dasal pala ang seksing aktres na si Barbara Milano sa fight ni Manny Pacquiao laban kay Jessie Vargas. Nagkatambal na kasi ang dalawa noon sa pelikulang Basagan Ng Mukha at mula noon ay naging malapit ang loob ni Barang (palayaw ni Barbara) kay Manny.

Napaka-humble raw kasi ng senador habang nagsu-shooting sila sa Batangas. Madalas na si Manny pa raw ang nagpapa-merienda sa kanila sa set. Hindi pa raw kasing yaman noon si Manny kumpara sa ngayon.Propesyonal daw palagi ito at on time sa set. Napapansin ni Barang na hindi man lang naapektuhan ng pagsikat ang ugali ng mala-bayaning boksingero.

Congratulations sa iyong pagkapanalo, Sen. Manny!

Mga Batang Lansangan ipapalabas na

Sa November 26 na ang showing ng pelikulang Mga Batang Lansangan sa SM Baliuag sa Bulacan sa ganap na 10:00am.

Tampok sa nasabing pelikula sina Snooky Serna, Jeffrey Santos, Buboy Villar at Miguel Antonio at sa direction ni Mike Magat.

Ang naturang pagpapalabas ng pelikulang ito ay sa pakikipagtulungan ng grupong Victory ng Baliuag. Nakakatulong sila sa ticket selling at ang kikitain ng pelikula ibibigay sa kawanggawa. Noong makakwentuhan namin si Mike Magat sa Rejinos Resto Bar sa Baliuag, ikinuwento niya na marami raw hirap ang inabot nila bago magawa ang movie na ito.

Malaki ang pasalamat ni Mike na kahit abala si Snooky sa teleserye nito sa GMA-7 ay nasipot pa rin ng aktres ang shooting nila.

Pasko ng AlDub, KathNiel, JaDine at Coco, masagana!

Pinakamasaya ngayong darating na Pasko sina Maine Mendoza, Alden Richard,  James Reid,  Nadine Lustre, Kathyrn Bernardo, Daniel Padilla at Coco Martin dahil sila ang mga highest paid stars sa kasalukuyan.

Show comments