^

Pang Movies

Dingdong hirap ‘pag hindi kasama ang mag-ina!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong hirap âpag hindi kasama ang mag-ina!
Ding­dong Dantes

Miss na miss na ni Kapuso Primetime King Ding­dong Dantes ang wife niyang si Marian Ri­vera at ang malapit nang mag-one-year old unica hija nilang si Maria Letizia. Mahirap daw pala na lagi niyang kasama ang kanyang mag-ina dahil kapag nawalay ay hinahanap-hanap niya ang mga ito. Dalawa kasi ang ginagawang project ni Dingdong ngayon, ang action-drama series na Alyas Robin Hood for GMA-7 at ang shooting ng movie niya sa Star Cinema na The Unmarried Wife.

“Dati kasi ay taping lamang ako tapos on call sa shooting, pero ngayon, malapit na kaming mag-showing, saka naman maraming malalaking eksena kaming ginagawa sa Alyas Robin Hood dahil mas lumalaki ang viewership naming.”

Pero malapit na nga ang first birthday ni Baby Zia, so, naghahanda na rin ba sila sa pagsapit nito sa November 23? “Magkakaroon kami ng party para sa kanya,” sagot ni Dingdong.

“Pero hindi iyong engrande, simple lamang, kasama ang immediate members ng family namin ni Yan. Ang mahalaga iyong magkakasama ang buong pamilya sa pagsi-celebrate namin ng kanyang first birthday. Iyong matatandaan niya ang ginawa niya noong kanyang unang birthday.”

May nakita kaming picture ni Marian na tinuturuan niyang mag-blow ng candle si Zia na mukhang haping-hapi habang sinusundan ang ginagawa ng ina. “Gusto lamang naming i-enjoy ang oras namin sa aming anak habang isa pa lamang siyang baby. Ang bilis ng panahon, ilang buwan pa nadagdagan na ulit ang edad niya.”

Si Dingdong ay napapanood gabi-gabi sa GMA-7 sa Alyas Robin Hood pagkatapos ng Encantadia. At sa November 16, ang nationwide showing in cinemas ng The Unmarried Wife with Angelica Panganiban and Paulo Avelino sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Janine natupad ang pangarap sa Encan

Isa-isa nang natatapos ang TV guesting ng mga Kapuso stars sa high rating-epic telefantasya na Encantadia. Last Thursday, napanood na ang pagkamatay ng character ni Adhara played by Sunshine Dizon. Natapos ang guesting ni Sunshine dahil may gagawin siyang new afternoon   series.

Last night ay ipinakita na ang pagpasok ng bagong character ni Janine Gutierrez, na ang ganda-ganda sa role bilang si Agua, ang Gabay-Diwa ng Tubig o kambal diwa ng bril­yante ng Tubig na pag-aari ni Sang’gre Alena played by Gabbi Garcia. 

Hindi pa maliwanag kung ang character ni Agua ay mabait at tutulungan si Alena o kalaban naman na magpapahirap kay Reyna Amihan (Kylie Padilla).

Pero na-excite si Janine nang ipatawag siya ng Encantadia para mag-guest. Noon kasi, isa si Janine sa nag-audition para maging isa sa mga Sang’gre pero hindi siya pinalad na makapasa. Sa halip, binigyan siya ng isang morning drama series, ang Dangwa. Kaya laking tuwa niya nang finally ay magiging cast siya ng Encantadia.

Si Ruru Madrid ang katambal ni Gabbi as Alena, magkaroon din kaya ng eksenang magkasama sina Agua at Ybarro (Ruru Madrid)? 

MARIA LETIZIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with