Aljur on the way na rin sa ABS?!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 4, 2016 - 12:00am

Parang may exodus ng paglipat ng mga Kapuso talent sa Kapamilya lately, Salve A.

Kasama na rito si Elmo Magalona na itinambal kay Janella Salvador sa seryeng Born For You na produced ng Dreamscape Entertainment Television, (DET), headed by Deo Edrinal.

Confirmed na rin ang paglipat ni Enzo Pineda na dating Kapuso, mapapabilang siya ngayon sa cast ng Till I Met You, also produced by DET. Makakasama niya rito sina James Reid, Nadine Lustre at JC Santos. And did we hear it right na baka ‘pumasok’ na rin sa bakuran ng Kapamilya si Kris Bernal, at susundan naman daw ni Aljur Abrenica?

Ang nakababatang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica ay nasa bakuran na ngayon ng ABS-CBN. Dating contract star ng TV5 si Vin.

Billy at Coleen bisi-bisihan ang career

Parehong busy sa mga project ang mag-sweethearts na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Si Billy ay napapanood sa It’s Showtime. Bukod dito ay host din siya ng highly popular reality program na Pinoy Boy Band Superstar, na napapanood naman tuwing Saturday at Sunday.

Si Coleen ay nasa cast ng series na muling pagsasamahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Bukod pa rito sa pelikula ng Star Cinema, ang Extra Service.  Makakasama niya rito sina Jessy Mendiola at Arci Muñoz.

Batang laglag sa Pinoy Boy Band nakakahinayang

Sa Pinoy Boy Band Superstar naman, nanghihinayang kami na hindi nakasama sa top 12 finalist, ang 17 years old na si Jendric Macapagal. Mula sa 12 finalists, pipiliin ang final five na siyang magiging members ng first ever Filipino boy band.

Tipong artista siya, bukod sa meron siyang personalididad.

Describe as tall (yes, for his age), trim, not so dark but good looking, definitely, may kakaibang charm si Jendric. Which obviously didn’t escape the eyes, wika nga, ni Aga Muhlach na isa sa apat na judges ng reality contest.

Ang tatlo pang judges ay sina Vice Ganda, Sandara Park at Yeng Constantino.

Well, sabi ni Aga, ang kulang kay Jendric ay drive. Na pwedeng ma-develop as he grews older.

Pinayuhan ni Aga si Jendric na huwag sumuko sa kanyang pangarap. After all nga naman, may kasabihang try and try again, until you succeed.

Acting ni Inah pinupuri!

There is never a dull moment daw for Janice de Belen, sa tuwing kapiling niya ang kanyang mga apo na sina, Adriana at Alejandro, sa anak na si Luigi “Igi” Muhlach and Igi’s wife, Patty.

Lola Jaja raw ang tawag ng mga ito sa kanya. At lagi raw siyang dinadalaw ng mga ito kapag weekends.

Familiar na si Andriana sa mga televiewer dahil endorser ito ng sikat na powder milk para sa mga bata.

Si Igi ay isang chef sa sosyal na hotel sa Metro Manila. Kay Janice raw namana ni Igi ang talent niya sa pagluluto.

Bago nga pala naming makalimutan, Janice’s eldest daughter, Inah, with estranged husband, John Estrada (now married to former Miss Earth Priscilla Meirelles), is earning praised for her acting   in her drama series for GMA 7, Oh My Mama, co-starring her with Jake Vargas and Jeric Gonzales. Masaya si Inah na natigil na ang kontrobersiya sa paggamit niya ng apelyido ng kanyang ina bilang screen name.

Wala na ring controversy sa desisyon nina Janice at Priscilla na magsama sa series na Be My Lady na mapapanood bago ang It’s Showtime at pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga.

While Janice plays Erich Mom, anak naman ni Priscilla si Daniel.

ALJUR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with