Dingdong Dantes at Angelica Panga­niban
Dingdong at Angelica natakot maglaswaan sa bagong pelikula
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 1, 2016 - 12:00am

Ini-release na ng Star Cinema ang first trailer ng The Unmarried Wife starring Angelica Panga­niban, Paulo Avelino, and Dingdong Dantes na idinirihe ni Maryo J. delos Reyes at ang dami agad nagandahan.

Nang huli nga na­ming makausap si Dingdong nang bisitahin namin siya sa set ng Alyas Robin Hood, excited na ang aktor sa peli­kula at aniya, ito na raw yata ang pinaka-seryosong movie na nagawa niya.

“Seryoso siyang pelikula. Pinakaseryosong pelikula na nagawa ko ‘to. Wala siyang halong sexy, I mean, kung meron man, hindi ‘yun ‘yung mamayagpag,” say ni Dong.

So, hindi sila daring ni Angelica rito?

“Hindi ganu’n ‘yung direksyon ng pelikula, eh. Siguro, ang magiging da­ring, ‘yung emosyon.”

Ang huling ginawa ni Dingdong sa Star Cinema ay One More Try with Angelica pa rin at aniya ay mas daring daw ang nasabing pelikula kaysa sa The Unmarried Wife.

“Eto, talagang magpo-focus sa relationship drama,” he said.

Natutuwa rin ang aktor na maka­sama ulit si Angelica na isang mahusay na aktres, pati na rin si Paulo na napakagaling na aktor plus ang husay din ng direktor nila.

Samantala, in Angelica’s latest interview ay puring-puri niya rin naman si Dingdong at aniya, ang laki raw ng difference ngayon sa pag-arte ng aktor at napapanganga raw siya talaga ngayon kapag umaarte ito.

Papuri pa ni Angelica kay Dingdong, sobrang flawless daw ng acting na ipinakita ng aktor at marahil ay napakalaki ng naitulong ng pagkakaroon nito ng masaya at tahimik na buhay ngayon.

Bea at Gerald hindi nagpapigil sa relasyon

Kumakalat ngayon online ang mga larawan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson na magkasama sa Singapore with some friends. Apparently, nagpunta sa nasabing bansa ang dalawa for Halloween vacation.

Base sa mga video at pictures na kumalat, mukhang enjoy na enjoy ang dalawa lalo na sa mga kuha nila sa Universal Studios, Singapore. Sa ilang larawan ay makikita rin ang pagka-sweet ni Gerald na inaaalalayan pa si Bea.

Matatandaang inamin na rin naman ni Gerald sa isang interview na “dating” sila ngayon ni Bea kaya hindi na rin naman natin dapat pagtakhan kung madalas na talaga silang makikitang magkasama sa mga darating pang araw.

Silang dalawa rin ang magka-date nitong nakaraang Star Magic Ball at bagay talaga sila.

Daniel at Erich malapit nang ikasal, serye titigbakin na raw

Papasok na sa next chapter ng buhay nila sina Phil (Daniel Matsunaga) at Pinang (Erich Gonzalez) sa Be My Lady at ipinakikita na nga sa mga plug ang nalalapit na kasalan.

Sa episode na ipalalabas ngayon, Tuesday ay maaaksidente si Phil at dito niya mari-realize that life is short kaya dapat na niyang pakasalan si Pinang.

May plug na rin ng much-awaited proposal kung saan ay makikitang tinatanong na ni Phil kay Pinang ang mga katagang “Will you marry me?” at kung hindi kami nagkakamali ay ipalalabas na ito this week.

Dahil dito ay nagtatanong ang BML fans kung matatapos na raw ba ang serye at ang daming nakikiusap na huwag naman daw muna sana itong tapusin.

Nabanggit kasi noon nina Daniel at Erich na extended till November ang BML kaya nagwo-worry na ang fans na baka nga matatapos na ang show at gusto nila ay ma-extend ito.

Mukhang daily habit na talaga ng mga tagasubaybay ang manood every morning ng BML dahil sabi nga nila, nakakagaan daw ng araw ang nasabing serye.

Pero sa ngayon ay nasa proposal pa lang naman ang BML at wala pa namang ipinapakita tungkol sa kasalan. Kaya marami pang pwedeng mangyari, ‘di ba naman?

DINGDONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with