^

Pang Movies

Nangyari sa kapatid ni Ricky, dapat magsilbing aral

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Halatang mas binibigyan ng priority ni Ricky Davao ang pagdidirek kesa sa pag-aartista.

Si Ricky ang direktor ng isa sa high rating series ng GMA-7 ang Sinu­ngaling Mong Puso.

Kokonti lang ang nakakaalam na si Direk Ricky ay graduate ng Engineering sa Mapua Institute of Technology, (MIT). Pero hindi siya nakapagpraktis dahil mas pinili niya na sumabak bilang artista.

Na kung sabagay ay hindi na nakakagulat dahil ang kanyang namayapang ama na si Charlie Davao ay nangungunang kontrabida ng kanyang panahon.

Ang kanya namang nakatatandang kapatid na si Bing Davao ay makikita rin paminsan-minsan sa TV at pelikula. Ang kanya namang dating asawa na si Jackie Lou Blanco, na anak ng nangungunang mang-aawit na si Pilita Corrales, ay aktibo rin sa showbiz.

Tampok si Jackie sa nalalapit nang isahimpapawid na series ng Dreamscape Television Entertainment, ang Ikaw Lang Ang Iibigin, na siyang pagsasamahan muli nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Today, the eve of All Souls’ Day (All Saints’ Day, today), siguradong dadalawin ni Direk Ricky ang kanyang nakababatang kapatid na babae na namatay nang hindi inaasahan.

Naglalaro raw silang magkakapatid sa kanilang sala noon nang bigla na lamang itong nadapa. Nakangiti pa raw ito at nagpupumilit pang bumangon. At saka raw lumungayngay ang ulo nito. Nang lapitan daw ito ng kanilang ama, saka nila natuklasang wala na itong buhay.

Iyon pala, habang nakikipaghabulan, may dala itong baso ng softdrinks, na nabasag at kanyang nada­paan nang malugmok siya.

Kung bakit namin ito inalala, Salve A., ay dahil gusto namin na magsilbing aral ito sa mga magulang ng kanilang maliliit na anak, to make sure, na wala itong dala-dalang babasagin kapag naglalaro. O kaya, nakikipagharutan sa kanyang kapwa kabataang kapatid o kaibigan.

Coco inaani na ang mga itinanim sa bukirin

Ngayon naman para sa mas magandang topic, nagsisimula nang anihin ni Coco Martin ang mga gulay na kanyang itinanim sa kanyang bukirin na nabili sa isang malapit na probinsya.

Ilan sa mga gulay na kanyang naani, kumbaga, ay mga okra, sitaw, pipino, talong, at ampalaya. He makes sure raw na lahat ng tanim niyang gulay ayon kay Coco, ay pawang organic.

Nananatili pa rin si Coco bilang most popular drama actor sa telebisyon dahil sa kanyang programang FPJ: Ang Probinsyano, na mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.

Nagsimula nang mag-shooting si Coco ng pelikula under Star Cinema, na isasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF), makakasama niya rito si Vice Ganda at ang mga child actor sa FPJ: Ang Probinsyano na sina Xymon “Onyok” Pineda at McNeal “Mak-Mak” Briguela.  Si Joyce Bernal ang naatasang magdirek ng pelikula.

Thirty-five years old na si Coco ngayong araw na ito, November 1.

Karla feeling blessed

Speaking of blessings, pakiramdam ni Karla Estrada ay sobra-sobra na ang natatanggap nilang blessings ng anak na si Daniel Padilla.

Feeling blessed na blessed daw silang mag-iina. Kaya kahit daw sa ilang malilit na paraan lang, ibinabahagi nila ang mga ito sa iba.

Gaya ni Daniel, may TV commercials na rin si Karla kunsaan kasama niya si Dimples Romana.

Doing well ang kanyang early morning program with Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal, ang Magandang Buhay.

Isa rin siya sa regular judges ng mga participants sa segment na Tawag Ng Tanghalan ng noontime show na It’s Showtime.

RICKY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with