Ariel Rivera
Ariel masusubukan kung may fans pa!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 28, 2016 - 12:00am

Natanong din si Ariel Rivera kung bakit ngayon ay nakasali siya sa seryeng Hahamakin ang Lahat. Hindi naman natin maikakaila na kahit na siya ay nagkaroon na rin ng career sa acting, mas kilala kasi si Ariel bilang isang singer. Nakagawa siya ng maraming hits, at sa pagkanta niya kaya siya tinawag na “bagong kilabot ng mga kolehiyala” during his time.

Totoo naman iyon. Noon kasi basta kumakanta na si Ariel, talagang kinikilig ang mga babaeng nanonood sa kanya. May kilala nga kami na kahit sa CD lang nakikinig ay kinikilig kay Ariel noon.

Pero iyon ding kilig na iyon na nakukuha niya mula sa kanyang fans ang naging dahilan kung bakit may sumubok sa acting niya. Kinuha siya noon ng OctoArts Films at isinama sa isang pelikula nina Aga Muhlach at Lea Salonga. Naging malaking hit ang naturang pelikula. Syempre ang nakakuha ng credit sa pagiging hit ay si Aga at ang sikat na sikat noon dahil sa Miss Saigon na si Lea. Pero hindi nila maikakaila na marami rin fans si Ariel.

Bukod doon, kinilala agad ang kanyang abilidad sa acting sa pelikulang iyon. Best supporting actor agad siya sa filmfest sa una pa lang niyang pelikula. Tapos binigyan din siya ng award bilang best actor in a lead role para sa isang serye na ginawa rin niya noon para sa GMA-7.

Naging leading man din siya ni Sharon Cuneta ng mga panahong iyon, at marami rin siyang iba pang mga pelikulang nagawa.

Kaya nga masasabi nating kung kilala nga si Ariel dahil ang karamihan sa kanyang ginawang mga album ay umabot pa sa triple platinum lahat halos, aba matindi rin naman ang kanyang accomplishments bilang isang actor.

Luis pasado sa pinaka-malalang drug test

Siguro masasabi ngang ginawa na ni Luis Manzano ang pinakasuk­dulan na sa drug test. Iyong tinatawag na “hair drug panel”. Gamit ang Elisa method, sinusuri ang buhok ng isang tao kung siya ay nakagamit ng droga. Sinasabing ang sino mang nakapasa sa hair panel drug testing ay masasabing libre sa droga sa loob ng dalawampung taon o higit pa.

Kung pagbabatayan mo ang edad ngayon ni Luis, parang sinabi mo na ring hindi siya tumikim ng droga sa buong buhay niya.

Iyang hair panel drug testing ang sinasabing ultimate na. Kasi iyong urine test, pinagdududahan pa iyan. Makalipas lamang ang ilang buwan, may nagagawa para mawala ang bakas ng droga sa ihi. Mas mahusay ang blood testing dahil nakikita ang bakas ng droga nang ilang taon din. Pero iyang hair panel drug testing, iyan ang sinasabing pinaka-epektibo sa ngayon.

Basta pumasa ka riyan, maaari mo nang sabihin na hindi ka gumamit ng droga kailanman.

Direk nauto ng indie actor!

Naging biktima si direk ng isang “sob story”. Naawa siya sa isang indie actor dahil sa kuwento ng pang-aapi sa kanya ng kanyang pamilya. Dahil naawa si direk, binigyan niya ng datung ang indie actor. Nakadalawang hingi raw sa kanya ang actor, at nahalata niya, mukhang iba na ang intention noon. Nang hindi na niya bigyan ng datung ang indie actor, hindi na tumawag sa kanya ulit. Tama si direk. Napagkamalan siyang ATM machine.

DRUG TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with