Female TV host na ang bait-bait ng image ayaw kilalanin ang kapatid sa ama!

Marami ang na-turn-off sa female TV host na ang bait-bait pa naman tingnan sa TV, pero may itinatago palang kasamaan ng ugali.

Ayon sa aming source, ayaw daw kilalanin ni female TV host ang kanyang kapatid sa ama na nakatira sa hindi kalayuang probinsya.

Ilang beses na raw nakita ni female TV host ang kanyang half-sibling noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz. Pero noon pa ma’y malayo na ang loob niya rito.

“Lumaki kasing spoiled ang babaeng ‘yan kaya hindi nito matanggap na may iba siyang kapatid sa labas.

“Mabuti nga siya blessed na blessed habang lumalaki. De-aircon ang kuwarto niya at sa magandang school siya nag-aral.      

“Eh ang kapatid niya, hikahos sa buhay. Hindi nakapag-aral at walang permanenteng trabaho. Meron pa naman itong pamilyang binubuhay,” sey ng aming source.

Pa-extra-extra na lang daw ito sa mga construction sites at minsan nagbebenta ng kahit ano sa palengke, basta lang may maiuwi siya sa kanyang pamilya.

Dagdag pa ng source namin: “Mabait naman ‘yung kapatid ni female TV host kaya marami ang tumutulong sa kanya. Alam din ng mga tao roon na kapatid niya ang female TV host. Nagtataka sila kung bakit ayaw nitong humingi ng tulong dito.

“Nahihiya raw siya kasi kahit noon pa ay hindi naging malapit sa kanila ang female TV host. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang pagiging magkapatid nila.

“Kung maaalala raw sila ni female TV host, eh ‘di mas maganda. Hindi lang siya sure kung alam ng mister ni female TV host na may kapatid ito sa labas.

“Mabait pa naman ang mister nito at siguradong magbibigay ng tulong iyon sa kanila kung alam lang sana niya.”

Ilang beses na rin daw nitong tinangka na kausapin ang female TV host, lalo na noong magkaroon ng malubhang sakit ang isang family member. Pero napigilan daw siya dahil baka hiyain siya nito at hindi pansinin.

Mabuti na lang daw at tinulungan siya ng kanyang mga kapitbahay kaya nakaraos sila.

Pero dasal pa rin niya na balang araw ay kilalanin siya ng female TV host.

Kristoffer tinalo ang mga beterano

Hindi inaasahan ng Kapuso leading man na si Kristoffer Martin na mapapanalunan niya ang award bilang best actor in a single performance para sa pagganap sa isang episode ng Magpakailanman.

Masaya na raw ang aktor na ma-nominate at mapasama sa hilera ng mga mahuhusay na aktor.

Pero nang tawagin ang pangalan niya bilang winner, tila parang lumalakad siya sa ulap. Tinalo lang naman niya sa naturang category sina Alden Richards, Gardo Versoza, Gerald Anderson, Joel Torre, John Arcilla, at Zanjoe Marudo.

Tamang-tama lang daw ang parangal na iyon dahil malapit nang umere ang pagbibidahan niyang teleserye sa GMA-7 titled Hahamakin Ang Lahat kunsaan katambal niya si Joyce Ching.

“Ikaw lahat to Lord. Maraming salamat,” tweet agad ni Kristoffer pagkatapos niyang manalo.

Cooking show ni Chef Boy naghakot ng awards

Ang cooking show ni Chef Boy Logro sa GMA News TV na Idol sa Kusina ang most-awarded cooking show sa telebisyon ngayon.

Nitong buwan lang ng Oktubre ay tatlong awards ang natanggap ng Idol sa Kusina mula sa iba’t ibang institusyon ng bansa. 

Ginawaran ang Idol sa Kusina ng Certificate for Creative Excellence from the US International Film and Video Festival at ng Excellence Award for Cooking Program mula sa Kung-Gihan Awards 2016 of the Lyceum of the Philippines University–Laguna.

Pinarangalan naman si Chef Boy ng Kung-Gihan Awards of 2016 mula sa Lyceum University-Laguna bilang Most Influential Chef ng taon.

 

Show comments