Di namana ang talent ng mga kamag-anak: Kalilipat lang ng network na aktor, wala pa ring maipakitang akting!
CALVENTO FILES - Baby E (Pang-masa) - October 14, 2016 - 12:00am

Guess Salve A., kung paano idinescribe ng ilang observers ang acting ng isang talent na kalilipat lang sa network na kasalukuyan niyang kinabibilangan?

Sobrang can not daw.

In short, cannot act. Which is a pity, since nabigyan pa naman siya kaagad ng lead role sa network na kanyang nilipatan. Obvious na hindi rin niya namana ang natural talent na nagpasikat sa kanyang mga kamag-anak sa showbiz.

Zanjoe kay Arci naman susubukan

Bukod pala sa kasalukuyang showing niyang movie na The Third Party, kung saan kasama niya sina Angel Locsin at Sam Milby, may ginawa ring short film si Zanjoe Marudo na hindi pa niya tiyak ang titulo.

Basta mag-ina raw ang role nila ni Laurice Guillen na isa ring direktor.

Malapit na siyang magsimulang magtrabaho sa bagong pelikulang pagsasamahan nila ni  Arci Muñoz bilang kanyang leading lady.

Lovi lilipat na sa bagong bahay

Baka raw lumipat na ng bahay si Lovi Poe. Yes from McKinley Hills in Taguig City papunta sa isang private subdivision in Quezon City.

Masyado raw kasing nalalayuan na si Lovi sa kanyang current address, considering nga naman ang matinding trapik na kanyang tatahakin sa tuwing papunta siya sa trabaho. Eh, lahat halos ng kanyang taping sa seryeng kanyang ginagawa sa GMA-7 ay sa Quezon City ang location.

Kahit ang katatapos niyang movie, The Escort, with Derek Ramsey ay sa Quezon City din halos kinunan ang kabuuan.

A Regal Entertainment presentation, showing na ito in theaters sa November 2.

Pero malamang na ang sosyal na eatery niya kung saan kasosyo niya ang ilang kaibigan ay mananatili sa Fort Bonifacio. The business is doing well ayon sa ilang malapit kay Lovi.

Sam aligaga sa rami ng trabaho

Gaya ni Sam Milby, talent din pala ng Cornerstone Management, headed by Ericson Raymundo ang divas sa music world, local ha, na sina Kyla, KZ Tandingan, Yeng Constantino at Angeline Quinto at pati na rin si Rachelle Ann Go na Broadway bound na, yes in Broadway, New York, para sa isang musical stage play.

Ang sisipag ng mga talent na ito ni Ericson dahil halos lahat sa kanila ay busy.

Simulan natin kay Sam na nasa cast ng The Third Party, with Zanjoe Marudo and Angel Locsin.

During the premiere last Tuesday at the Megamall of the movie, mukhang pagod si Sam. Iyon pala ay kagagaling lang niya sa taping ng Doble Kara na pinagbibidahan ni Julia Montes, naligo lang siya at nagbihis at agad na sinamahan na sina Zanjoe at Angel sa Megamall.

Si Kyla naman, bukod sa kanyang singing engagements ay napapanood sa daily noontime show na It’s Showtime, bilang isa sa mga judge ng segment na Tawag ng Tanghalan.

Si Yeng ay napapanood tuwing Saturday at Sunday bilang kasamang judge nina Vice Ganda, Sandara Park at Aga Muhlach sa reality contest na Pinoy Boyband Superstar.

KZ and Angeline of course, are busy sa mga personal singing commitments here and abroad.

All four though, on the suggestions of Ericson, will perform together at a concert, na may title na Divas on November 11 sa Araneta Coliseum.

Dapat daw sana, kasama sa grupo for the concert si Rachelle Ann, kaya lang ay committed na siya to do the Broadway musical.

Going back nga pala kay Kyla, she’s the one singing the theme song of the currently well-admired and trending series, Till I Met You, starring James Reid, JC Santos at Nadine Lustre.

NETWORK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with