Kahit tapos na ang eleksyon, Sen. Grace dinumog ng mga sumi-selfie sa birthday ni Ogie

MANILA, Philippines - Ang post 49th birthday dinner party ni Ogie Alcasid sa newly-renovated house nila ni Regine Velasquez-Alcasid sa isang posh village sa Quezon City noong Sunday night. Small get-together lang ang ‘yon para sa mga malalapit na kaibigan ng singer/songwriter. Noong mismong birthday kasi niya, nasa Music Museum si Ogie para sa second night ng Ayo­kong Tumanda birthday concert niya. Feeling ni Ogie ay matanda na siya sa edad niya ngayon, pero in fairness, hindi naman siya mukhang 49 years old, huh!

Katulad ng kanyang two-night birthday concert, successful ding maituturing ang kanyang post birthday dinner dahil dumating doon ang halos lahat ng mga inimbitahan niya. Si Sen. Grace Poe-Llamanzares ang nabungaran namin nang dumating kami sa bahay nina Ogie at Regine at halos lahat ng mga bisita roon ay nagpapakuha ng litrato sa senadora.

Si Sen. Poe naman, parang walang kapaguran na pinagbibigyan lahat ng mga gustong makipag-picture-taking kasama siya.

Derek hulog na hulog sa GF

Dumating din sa party ni Ogie si Derek Ramsay. Kasama ni Derek ang kanyang non-showbiz girlfriend na super pretty, pero simpleng-simple lang kung kumilos. Mukhang mabait ang non-showbiz girlfriend ni Derek at mukhang in love na in love rito ang hunk actor!

James nakakatakam ‘pag walang damit

Sobrang excited ang fans ng JaDine loveteam sa pagsisimula kagabi ng pinakabagong teleserye nina James Reid at Nadine Lustre sa ABS-CBN, ang Till I Met You na kinunan ang karamihan sa mga eksena sa iba’t ibang lugar ng Greece. Hinihintay na ang pilot ratings ng Till I Met You dahil tiyak na ikukumpara ito sa ratings ng una nilang teleserye, ang On The Wings of Love.

In fairness, pinag-uusapan ang Till I Met You at based sa teasers ng show na napanood namin, may promise ito at malamang na maging ka-sucessful din ng On The Wings of Love, huh!

Mas nakakakilig daw ang On The Wings of Love, pero ayon sa direktor nilang si Antoinette Jadaone, palagi naman daw nakakakilig sina James at Nadine.

Ang karamihan naman ng fans ng JaDine ay nagsasabing nakakakilig together sina James at Nadine, pero kapag mag-isa raw si James (lalo na kapag shirtless siya), kakaiba raw ang dating ng aktor at talagang tataas ang libido mo sa kanya!

Marami nga ang nagsasabing tumataas ang libido nila kapag nakikita ang billboard ni James na ine-endorse niya ang isang canned tuna brand kung saan ay shirtless siya. Katakam-takam daw si James doon! Teka! Si Nadine kaya, natatakam din kay James sa canned tuna billboard na ‘yon?

May ibang canned tuna brand na ine-endorse si Nadine, pero iisang company lang naman ang may-ari ng dalawang canned tuna brands na ine-endorse ng JaDine, kaya baka nagtitikiman din sila… ng kanya-kanyang canned tuna brand na ine-endorse nila, ‘noh?!

Show comments