^

Pang Movies

Aiai at Lani may bonus na fafa sa concert

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - May mga papalicious daw na guests sa Ai Meets Lani (Lani May Ai?) concert nina AiAi delas Alas at Lani Misalucha sa KIA Theater on September 17.

Ayaw ibuking ni AiAi kung sino ang mga papalicious na ‘yon.

Secret daw.

Pati ang producer ng concert na si Pops Fernandez, quiet lang tungkol doon.

Basta ang “ibinebenta” lang nila sa nasabing concert ay sina AiAi at Lani at parang “bonus” lang ang papalicious guests ng dalawa.

Sabi nga pala ni Pops, kahit sa KIA Theater ang concert nila at mas maliit ang capacity, magastos pa rin daw at parang nag-concert din sila sa Smart Araneta Coliseum.

‘Serye’ nina Sunshine, Timothy at Clang, mataas ang rating

Parang eksena sa mga teleserye ang paghaharap sa piskalya ni Sunshine Dizon, ng estranged husband niyang si Timothy Tan at ang sinasabing “third party” na si Clarisma Sison.

Pati ang dialogue ni Sunshine na hindi niya sasampalin si Clarisma dahil baka madumihan ang kanyang kamay ay parang dialogue sa mga teleserye, huh!

At kung teleserye nga ang mga pangyayari sa buhay nilang tatlo, aba, top-rating teleserye na sana ito dahil parang napakaraming interesado at tunay na nag-aabang, huh!

Cacai pinayuhang manahimik na kay Mario Maurer

May mga nag-a-advice pala kay Cacai Bautista na manahimik na lang sa pagba-“ban” sa kanya na lumapit o komontak sa Thai actor/singer na si Mario Maurer.

Hindi na raw dapat pang gawing issue ‘yon ni Cacai.

Dapat daw, ipamukha ni Cacai sa mga nag-a-accuse sa kanya na nag-iilusyon siya kay Mario na hindi niya kailangan ang Thai actor/singer at may dignidad naman siya.

Hindi naman siguro malaking kakulangan kay Cacai kung hindi na niya babanggitin pa si Mario para naman magkaroon na rin siya ng katahimikan sa kaliwa’t kanang mga issue na nag-iilusyon siya sa mga lalaking malapit sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with