^

Michael umaapaw ang papuri kay Nora

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 9, 2016 - 12:00am

Super proud si Michael Pangilinan dahil nakatrabaho niya si Nora Aunor sa kanilang pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako.

Ayon kay Michael, mata pa lang daw ni Ate Guy umaarte na.

Bilib si Michael sa Superstar na talaga raw ipinanganak para maging artista. Hindi naiwasan na ma-intimidate ang singer-actor, mabuti na lang daw at generous si Ate Guy kaya napakalma siya nito.

Lalo pang sumaludo si Michael kay Ate Guy dahil never nitong ipinaramdam na big star siya.  Nakikipagkuwentuhan sa kanilang umpukan, pero kapag nag-take na, lahat ay tahimik at napapatulala sa kanyang galing.

Kung ano ang kinakain ng staff and crew hindi rin daw nagrereklamo ang mahusay na aktres. Kahit saan sila sumalampak ng upo ay game rin daw makihalubilo ang aktres.

Wish ni Michael na mabigyan siyang muli ng pagkakataon na makasama si Ate Guy dahil marami siyang natutunan, hindi lang sa pag-arte. At napatunayan ni Michael kung bakit mahal ng masa ang isang Nora Aunor dahil sobrang dedicated nito sa trabaho at binibigyan niya ng oras ang kanyang fans. Niyayakap, walang atubiling kinakausap, at nakikipag-selfie pa.

MICHAEL PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with