Jennylyn may pang MMFF movie na!

Magsisimula na si Jennylyn Mercado na magtrabaho para sa kanyang bagong pelikula, which, she said, may be an entry in the 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ganunpaman, wala raw siyang ideya kung ano ang magiging titulo ng pelikula at kung sinu-sino ang makakasama niya.

Of course, may idea na siya kung sino ang magdidirek at kung sino ang producer. But she’d rather not reveal.

Matatandaang in the last two MMFF, parehong entries ni Jennylyn na English Only, Please with (Derek Ramsey, 2014) and Walang Forever with (Jericho Rosales, 2015) were both adjudged bilang isa sa top grossers.

Nanalo rin ng best actress si Jennylyn sa parehong pelikula.

Walang Forever was 2015 MMFF best picture. Napanalunan din ni Jericho ang award for best actor.

Hopia dalaga na

Remember Hopia, the cute child actress years back?

Well, she’s all grown up now. And pretty. Although, need niya to be a little trim pa.

Nonetheless, Hopia, now billed as Katrina Legaspi, her real name, plays leading lady to Michael Pangilinan sa currently showing Pare, Mahal Mo Raw Ako.

Ang ganda ng role ni Katrina sa movie. Siya ang girlfriend ni Michael, na may best friend na lalaki na na-inlove sa boyfriend niya.

And being his (the gay, ha, played by Edgar Allan Guzman) confidante, he told her this supposed secret.

Ang ganda ng confrontation scene nilang tatlo. Makabagbag-damdamin. At tiyak, may kirot na mararamdaman ang manonood.

Ganunpaman, nauunawaan din ng manonood, na ang ginawa nilang tatlo na solusyon sa problema ay siyang nararapat.

For sure, sabi mismo ni Michael, the LGTB community will love this movie. “Sana panoorin nila,” dugtong pa ni Michael.

To which Benz Benedicto, chairperson Ladlad LGTB Party, reacted: “For sure, pipilahan ng LGBTcommunity ang pelikula.”

EA maraming kakumpitensiya sa Doble Kara

As much as possible daw, Michael Pangilinan’s fellow leading man, Edgar Allan Guzman, in Pare, Mahal Mo Raw Ako, would not want to be interviewed. Tiyak daw kasing may nagtatanong sa current status ng kanilang relasyon ng kanyang girlfriend, TV5 contract talent, Sharia Mae dela Cruz.

E, mukha daw yatang may problema ang dalawa sa kanilang relasyon. And obviously, ayaw ni Edgar matanong tungkol dito.

Besides, busy rin si EA (Edgar Allan’s pet name), kung sabagay, dahil gumaganda na ang role niya sa primetime series na Doble Kara.

Well, dapat siguro na magpakitang-gilas si EA sa Doble Kara, since, bukod kay Sam Milby, nasa cast na rin si Rayver Cruz.

Mga kaibigan ni Claudine nagpa-panic na sa kanyang lagay

Marami ang worried for Claudine Barretto since balita ngang balik-ospital siya. At na-operahan pa diumano.

Matatandaang dahil sa diumano’y ‘di inaasahang pagkakasakit ni Claudine, kaya, na-cut short ang pagsasahimpapawid ng nagte-trending pa namang diumano’y series ng Viva Entertainment for TV5, Bakit Manipis Ang Ulap, with no less than Joel Lamangan directing it.

Ang ganda rin sana ng cast ng series: Cesar Montano, Diether Ocampo, Bernard Palanca and Meg Imperial, among others.

Hayan tuloy at nawalan ng trabaho ang mga binanggit naming members ng cast.

How sad naman.

Janine at Elmo hindi na nagkakasama?!

Nagkikita pa kaya sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona, since, kung may nababalita man tungkol sa kanila, its about them individually?

Halimbawa, ni hindi nabanggit if Elmo was around nang ipa-bless ni Janine ang newly purchased unit niya sa isang plush condominium.

But, of course, her parents, Ramon Christopher and Lotlot de Leon, plus her siblings were all present.

Kung sabagay both busy sina Janine at Elmo, Janine with her current series, Once Again, for GMA 7, and Elmo, for Born for You, para naman sa Kapamilya.

Show comments