AiAi sasalang agad kay Vic pagbalik ng ‘Pinas

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 6, 2016 - 12:00am

Sumaglit si AiAi delas Alas sa San Diego, California para sa isang show kasama sina Jake Cuenca at Arci Muñoz. Tuwang-tuwa siya sa sold out crowd kahit nagkaroon ng aberya papunta sa venue.

Post nga ni AiAi sa Instagram account niya, “Thank you SAN DIE­GO…Kahit nagkasunog sa daan pa­punta sa harrahs ay full house padin…Sa hindi nakapunta dahil na-stranded see you soon…Sana ay mapanood nyo kami ulit…To jake and arci, NICE WORKING WITH YOU GUYS…See you soon…TO GOD BE THE GLORY FOREVER.”

Pagbalik ng bansa, salang agad si AiAi sa comedy show nila ni Vic Sotto, ang Hay, Bahay. Then ‘yung shooting niya ng Our Mighty Yaya sa Regal.

Kiko hinihintay kung aaminin si Barbie

Maugong ang tsismis na may relasyon na sina Barbie Forteza at Kiko Estrada. Kay Kiko nahulog ang loob ni Barbie habang ginagawa raw nila ang That’s My Amboy sa GMA. Eh, waley rin naman kasing nabuo sa Andre Paras-Barbie loveteam kaya kay Kiko napunta si Barbie.

Wala pang kumpirmasyon ang dalawa kung sila na ngang talaga. Never naman kasi umamin si Kiko sa relasyon nila ni Kim Rodriguez kahit ilang beses na silang nabistong magkasama sa labas, huh!

Lisensiyado na namang magkaroon ng boyfriend si Barbie dahil 18 years old na siya. Ang kasunod na tanong nga lamang ay aamin ba sila ni Kiko?

Ali may funeral procession para sa fans

Bumuhos ang pakikiramay ng ilan sa ating celebrities sa pagyao ng boxing legend na si Muhammad Ali last Saturday.

Nangunguna rito ang Pambasang Kamao at senator-elect na si Manny Pacquiao. “Please keep Muhammad Ali in your thoughts and prayers. With God, all things are possible.”

Maging si Asia’s Songbird Regine Velasquez ay nakidalamhati sa pagpanaw ni Ali. Ang ilan pang celebs na nagpaabot through social media ng pakikiramay ay sina Max Collins, Jerald Napoles, Rodjun Cruz at iba pa.

Isa sa malapit niyang kaibigan sa bansa ay ang election lawyer na si Macalintal.  “Ali treated me like an old friend,” pahayag ni Atty. Macalintal sa isang interview.

May muwang na kami noong nagpunta sa bansa si Ali para sa Thrilla in Manila nu’ng October 1975. Martial law days noon at hindi muna televised ang laban niya kay Frazier.

Eh, pumasok sa eksena ang yumaong dating presidente Ferdinand Marcos. Presto! Napanood nang live sa TV ang Thrilla in Manila, huh!

Sa latest news sa death niya, magkakaroon ng selebras­yon ang buhay niya kasabay ng pampublikong funeral procession sa June 10 sa kanyang hometown.

2016 NBA FINALS BASKETBALL CLEVELAND CAVALIERS GOLDEN STATE WARRIORS LIVE BLOG NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with