Daniel at Erich umamin na sa planong kasal

Swerte na sa career, swerte pa sa lovelife ang showbiz couple na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Masayang inanusyo ng dalawa na extended na naman ang Be My Lady morning serye nila hanggang October due to insistent public demand.

Pangalawang extension na ito ng show dahil nga sa magandang pagtanggap ng televiewers at araw-araw ay mataas ang nakukuhang ratings.

Ang dami kasing pumupuri na ang gaan-gaan panoorin ng serye at nakakaalis ng stress.

Pagdating naman sa kanilang relasyon, wala rin itong kaproble-problema at going stronger than ever. In fact, say nila, mas lalo pa silang naging close dahil sa Be My Lady.

“Mas close kami ngayon (ni Daniel), we are growing po talaga. We support each other. ‘Yung love it’s always there naman po and respect also,” say ni Erich.

Inamin din ng dalawa na may plano silang magpakasal but wait, hindi pa raw ngayon.

“May plano kami po pero for now, malayo muna, work muna,” say ni Daniel.

Ini-reveal din ng dalawa na pupunta sila ng Singapore this July para mag-shoot ng Be My Lady at may bago rin daw madadagdag sa cast.

Fans nagwala sa idinisplay ni James na halikan nila ni Nadine!

Another couple na swerte sa isa’t isa ay sina James Reid and Nadine Lustre. Bukod sa magandang career, pa-bloom nang pa-bloom ang relasyon nila.

Ang dami na namang kinilig na JaDine fans sa huling post ni James ng larawan nila ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account.

Paano ba naman, picture nila na naghahalikan habang mahigpit na magkayakap ang ipinost ni James pero ang nakakatuwa, nilagyan ng aktor ng malaking mark na “X” ang part ng lips nila para matakpan ito.

Sa caption ay nagpasalamat si James sa kanyang girlfriend sa surprise birthday party na inihanda nito para sa kanya last May 11.

“The best birthday party I’ve ever had and I’ve had some WILD ones. #thankslove,” caption ni James,.

At dahil sa hashtag na “thankslove”, ang daming nag-comment na “love” raw pala ang tawagan ng showbiz couple.

Puro “oh my god!”, “grabe”, “oh my!”, “nubayan”, “nakakakilig!” ang mababasa mong comment ng mga netizens tanda ng labis nilang pagkakakilig. Ang iba ay napapamura pa nga.

Kung sabagay, kinabog naman talaga nina James at Nadine ang ibang showbiz couple sa sobrang pagka-open sa relasyon at dito naman talaga kami bumilib sa kanila.

Kung ang ibang loveteam ay panay nasa “getting to know” at “getting there” ang mga sinasagot, ang NaDine ay napakalayo na ng narating ng relasyon at ewan kung paano ba makakahabol ang iba.

Series ni Julia tuloy ang alagwa sa rating

Hindi pa rin natitinag ang Doble Kara sa pagiging no. 1 teleserye sa hapon dahil sa muli nitong paghataw sa national TV ratings kamakailan.

Nagtala ng all-time high national TV rating na 19.8% noong Martes (May 24) ang seryeng pinagbibidahan ni Julia Montes, ayon sa datos ng Kantar Media. Ito rin ang pinakabagong all-time high rating na naitala ng programa.

 

 

Show comments