Isko babalik sa pelikula at magtuturo na lang ‘pag natalo

Napalakas ang tawa ni Isko Moreno nang habang nakikipagkuwentuhan siya sa mga entertainment press, may nagpakita ng lumang sexy picture niya mula sa lumang pelikula niya noon.

“Ipinagmamalaki ko na sa pag-aartista ko naiahon ko ang sarili ko at ang pamilya ko.  Wala po akong pinerwisyo noong artista ako, nang manungkulan ako sa City of Manila, hindi ako nagpabaya, nag-aral ako at naglingkod nang tapat sa mga constituent ko for 18 years bilang konsehal at Vice Mayor.”

Nanghihinayang lamang si Isko na wala na ang taong pinagkakautangan niya ng malaki sa pagiging artista niya at magpapatunay kung sino siya, ang kanyang Kuya Germs, German Moreno.

Hindi na raw nito nakitang kandidato siyang Senador, bilang si Domagoso, Isko Moreno.

Kabilang si Isko sa Partido Galing at Puso nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero.

Nagpasalamat na si Isko sa lahat ng mga botante na sana raw ay maisingit siya sa kanilang balota sa number 13, at sisikapin daw niyang matupad ang lahat ng mga ipinangako niya.  Nang tanungin siya kung ano ang gagawin niya after the election, manalo man siya o hindi, nakaplano na siyang gumawa ng independent movies at magkaroon ng isang talk show na maituturo niya kung ano ang mga nasulat sa mga books at kung ano ang nangyayari sa mundo at kung ano ang naranasan niya sa panunungkulan.

Derrick hindi nagme-memorize ng script!

Nakatikim pala si Derrick Monasterio ng “galit” ni Direk Laurice Guillen nang nag-report siya sa taping ng Hanggang Makita Kang Muli na hindi siya ready.

Inamin ng young actor, na hindi niya binasang mabuti ang script bago pumunta sa set, at hindi iyon nalihim sa mahusay na director.

“Natakot ako pero may natutunan naman po akong lesson. Alam ko na po iyon, pero kasalanan ko rin naman at nag-sorry ako talaga sa kanya.  Nag-promise ako na hindi na iyon mauulit at ginagawa ko na iyon ngayon, mas una kong pinag-aaralan ang script ko bago ako pumunta sa set.  Ayaw ko nang muling mapagalitan ni Direk Laurice.”

Show comments