Cogie walang choice kundi kumayod para sa anak!

Nagbabalik sa showbiz ang dating matinee idol na si Cogie Domingo matapos ang pagpapahinga ng anim na taon sa pag-arte.

Kung matatandaan ay isa sa paboritong leading man si Cogie sa bakuran ng GMA 7.

Lumabas siya sa mga teleserye na Ikaw Lang Ang Mamahalin, Kung Mawawala Ka, Darna at Bakekang.

Naging bahagi din si Cogie ng mga teen drama series na Joyride, Click at Love To Love.

Huling napanood si Cogie sa mga show ng TV5 na P.S. I Love You, Valiente at Inday Wanda.

Sa kanyang pagbabalik, pinili niya ang Kapuso network at lumabas na siya sa teleserye na Buena Familia.

“It feels like I’m back home. I’m very comfortable with the people I’m working with.

“Kasi sa GMA naman po talaga ako lumaki. I mean, I learned everything with GMA, so why not? ‘Yun talaga ‘yung family ko,” diin pa ni Cogie.

May 3-year old daughter na si Cogie named Rhianna Clarisse.

“She’s going to school this June. Kailangan ko ring magtrabaho for Rhianna.

“Nakakatuwa po talaga na kahit sobrang tagal na po ay nakilala pa po ako,” ngiti pa niya.

Sa pelikula ay nagbida si Cogie sa Deathrow, Cool Dudes 24/7, Yakapin Mo Ang Umaga, Anghel Sa Lupa, Mano Po, Mano Po 2, Pakisabi Na Lang Na Mahal Ko Siya at Kuya.

Camille aminadong hindi hiningi sa Diyos ang aasawahin

Nagpapasalamat si Camille Prats dahil sa 2017 ay muli na siyang magiging misis at Mrs. VJ Yambao na siya.

Ayon sa bida ng teleserye na Wish I May ay hindi madali ang maging single mom. Mahirap daw makahanap ng partner na matatawag niyang lifetime partner.

“Pero sobrang thankful at blessed ako nang dumating si VJ sa buhay namin ni Nathan.”

Noong mabiyuda si Camille noong 2011 dahil sa pagpanaw ng asawa niyang si Anthony Linsangan, hindi na raw niya inaasahan na makakahanap pa siya muli ng taong makakasama niya habangbuhay.

“Meron din mga nanliligaw pero alam mong hindi naman totohanan— ‘yung alam mong hanggang doon na lang. Hindi ko rin siya in-expect. Hindi ko siya hiningi. Sobrang bait lang talaga ng Diyos sa ‘kin,” pagtapos pa ni Camille Prats.

Ralf King nangangarap mapanood araw-araw

Binatang-binata na ang dating winner ng Popstar Kids Season 2 na si Kierulf Raboy. Kilala na siya ngayon bilang Ralf King.

Nagsimulang kumanta si Ralf sa edad na 3 at noong 11 years old ay sinubukan na niyang sumali sa iba’t ibang singing contest sa school at sa iba’t ibang lugar. Masuwerte naman siya dahil parati siyang nanalo.

Sa TV, bukod sa Popstar Kids ng QTV 11 noong 2007, sumali rin si Ralf sa Little Big Star ng ABS-CBN at ka-batch niya sina Charice Pempengco at Sam Concepcion.

“Sinubukan ko rin pong sumali sa The Voice Philippines at Bet ng Bayan.

“I really love singing at R&B ang forte ko. Pero gusto ko ring mag-experiment with other genres. Para maipakita ko versatile singer ako.”

Lumabas din sa ilang teleserye si Ralf noong bata pa siya. Gusto pa rin niyang i-pursue ang pag-arte kaya uma-attend siya ngayon ng mga acting workshops sa GMA 7.

Kasama si Ralf sa all-star charity album ng GMA Records na One Heart. Kasama niya rito ay sina Maricris Garcia, Julian Trono, Rita Daniela, Glaiza de Castro, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Kylie Padilla, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, James Wright at marami pang Kapuso artist.

Show comments