Gerald at Arci buong araw naglampungan!

Panay ang tawa at bungisngis ni Arci Muñoz sa presscon ng movie nila ni Gerald Anderson na Always Be My Maybe. Jologs na jologs ang aktres at sobrang mapagbiro at kengkay.

Kaya nga ang tanong sa kanya ay kung natural na ba niyang kilos ito talaga at sagot niya, “sobrang happy lang po ako, sobrang overwhelmed.”

Ayon sa aktres, masayang-masaya and very thankful siya sa magagandang oportunidad na ibi­nibigay sa kanya ng ABS-CBN at Star Cinema.

Binigyan siya ng lead role sa Pasion de Amor serye na malapit nang magtapos at ngayon naman, leading lady siya ni Gerald sa movie.

More than kaba, aniya ay sobrang excited daw siya.

“Kasi, I know that I work hard for this and it’s not just a 24-hour na success for me. I’m here for almost 9 years, 8 years, since I started. I transferred to different networks and finally, ABS-CBN gave me this big opportunity, this big chance to showcase my talent.

“So, para sa akin, I’m excited na to show them that you know, I’m worth the wait. Parang love lang din ‘yan, di ba?” natawa niyang sabi. “So, I’m really thankful and grateful, I don’t know how to thank them enough, sina Miss Malou (Santos of Star Cinema) sa napakaganda at napakalaking opportunity na ito.”

Dahil first time nilang magkatrabaho, tinanong sina Gerald at Arci kung kumusta ang working relationship nila at pareho silang puring-puri ang isa’t isa.

“Gerald is a gentleman, super-gentleman. I’m not wondering why girls talaga fall for him, head over heels. He’s a gentleman. Sinasabotage niya ako, lagi niya akong pinapakain ‘pag may love scene kami,” kwento ni Arci.

Aminado rin ang dalaga na talagang napanganga siya nang makita ang katawan ni Gerald nang mag-love scene sila.

“Ang ganda ng katawan niya! Nakakainis!” tili ni Arci.

Pero ganti naman ni Gerald, sobrang sexy rin naman daw ng leading lady niya at puring-puri niya ito sa mga ginawa nilang love scenes.

“Unang-una, nagulat ako dahil sobrang professional ni Arci, kasi mahirap po ‘yung ginawa niya, eh. Medyo daring siya talaga dito. And mahirap po ‘yung eksenang sinyut namin na napakatagal din, ilang hours. Isang buong araw, ‘yun lang po ang eksena namin, ‘yung love scene na ‘yun.

“And she did great. Sobrang ganda niya, sobrang. . .lahat. Ang eksena kasi, siya ‘yung magti-tease kay Jake (name ng character), sa akin, so siyempre hindi ako sanay dahil sa ibang mga eksena ko, ako ‘yung laging ano, pero ang masasabi ko, napakagaling niya talaga at ‘yung sexiness niya, oozing. Lalabas talaga sa screen ‘yan at mararamdaman po ng lahat.

“Feeling ko, ito ‘yung pinaka-intense na love scene na nagawa ko at saka pinakamatagal,” pahayag ni Gerald.

Sa Always Be My Maybe ay ginagampanan ni Gerald ang role ni Jake del Mundo, isang aspiring photographer na nahihirapan sa kanyang mga relasyon habang si Arci naman ay si Tintin na laging biktima ng pa-fall o mga taong nagpapaasa.

Dahil may chemistry rin sina Gerald at Arci, may mga nag-iisip na baka pwede rin sila in real life at ang bilis ng sagot ng dalaga na “why not?”

Pero parang imposible sa ngayon dahil kahit loveless ngayon si Gerald (sabi niya), si Arci naman ay may boyfriend. Pero silang dalawa ang magkasama ngayong Valentine’s Day dahil may shooting pa raw sila ng movie.

Showing na sa Feb. 24 ang Always Be My Maybe mula sa direksyon ni Dan Villegas. Kasama rin sa movie sina Cacai Bautista, Ahron Villena, Matt Evans, Carlo Aquino at Jane Oineza.

Xian at Kim, ipinasilip ang kanilang Valentine’s celebration

Kaabang-abang ang espesyal na episode ng Rated K ni Korina Sanchez-Roxas na may pamagat na Kilig Much ngayong Sunday, Valentine’s Day dahil punung-puno ng romansa, kakiligan, at hugot overload na talaga namang swak na swak para sa araw ng mga puso.

Unang dapat abangan, may aaminin ang LizQuen loveteam na sina Liza Soberano at Enrique Gil kay Koring.

Para sa mga KimXi fans naman, ipapasilip nina Kim Chiu at Xian Lim kung paano nila ipagdiriwang ang Valentine.

Magbibigay din ng kakaibang tips si Korina tungkol sa iba’t ibang paraan kung paano pakiligin ang ating mga minamahal this Valentine at may special report din ang Rated K sa sikat na sikat na “text-serye” love story na viral sa internet ngayon.

Nang naitanong naman kay Koring kung paano nila ipagdiriwang ng mister na si Mar Roxas ang araw ng mga puso, parang kumislap ang mata ng betere­nang broadcast journalist at kinilig.

“Simple lang kami ni Mar. Hindi naming masyadong inaabala ang Valentine. Ang importante magkasama kami. Masaya na kaming magsalo sa isang tahimik na tanghalian o hapunan. Pero kung may hinanda siyang espesyal, aba eh, okay na okay din sa akin yun,” say ni Korina.

Show comments