Marian parang hindi nanganak!

Very successful at napakasaya ng trade launch at thanksgiving party ng GMA Network na ibinigay nila sa kanilang mga advertiser na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel last Wednesday evening na dinaluhan ng Kapuso artists and broadcasters. 

Nanguna ang mga top executives ng network, sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto Duavit, Mr. Felipe Yalong at mga head ng Entertainment TV.  Hindi mo na kailangang um-attend ng event para malaman mo ang mga nangyari dahil sa posts ng mga um-attend.

First time ni Marian Rivera na um-attend ng big party after niyang isilang si Baby Letizia, kasama ang husband na si Dingdong Dantes.  Ang ganda-ganda ng Marian, at parang hindi nanganak dahil sexy na ulit siya. 

As usual, nahirapan na naman daw ang security na ma-cordon sina Alden Richards at Maine Mendoza lalo pa at first time iyon ni Maine na mag-attend ng party ng GMA at makita ng advertisers.  May nag-post na para raw maiwasang pagkaguluhan, dinala muna sina Alden at Maine sa backstage.  Later, pinaghiwalay na sila at naka-tsikahan ni Ma­rian si Maine sa table ng mga boss.  Si Alden ay kasama naman ng mga GMA tween stars na matagal na niyang na-miss.

May pictures ang dalawa na tinawag nilang Kapuso Queen si Marian at si Maine naman daw ang Queen ng kalyeserye ng Eat Bulaga na nagbubulu­ngan at nagtatawanan, may mga nag-post na siguro raw ay binibigyan ni Marian ng tips si Maine kung paano niya aalagaan ang relasyon nila ni Alden.  Baka raw nagkuwento rin si Marian tungkol kay Alden noong magkasama pa sila ni Tisoy sa drama series nilang Carmela.

Tiyak na may mga announcement na ginawa ang GMA tungkol sa mga coming projects pero ang hini­hintay ay kung ano ang project na pagsasamahan nina Dingdong at Marian at kung bibigyan na nila ng kanilang show o movie sina Alden at Maine. 

Sa ngayon kasi, inihahanda na ang mga bagong projects ng GMA for the second quarter of 2016.

Drew at Iya tatlong anak ang plano

Mamayang gabi na aalis ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania for New Zealand.  Last year pa raw hiningi ni Iya ang bakasyong iyon, para sabay na nilang i-celebrate ang kanilang second wedding anniversary at Valentine’s Day at bakasyon na rin, dahil may sasalihang karera doon si Drew. 

Kaya nang kunin nga raw siyang co-host ni Michael V as color commentator sa Lip Sync Battle, agad niyang sinabi na mawawala sila ni Drew ng two weeks at pumayag naman ang production. 

Medyo hirap din siya na mawala dahil may primetime series siya na Because of You (BOY).  Minsan nga raw ay nagpapaalam na lamang siya sa Chika Minute ng 24 Oras kapag malayo ang location nila ng BOY dahil nahihiya siya kina Gabby Concepcion, Carla Abellana at Vaness del Moral na madalas niyang kasama sa eksena.

Biniro si Iya na baka makabuo na sila ni Drew sa New Zealand, no problem daw dahil siya lamang ang hinihintay ni Drew.  Hindi pa rin daw siya ready na magkaanak pero ayaw na niyang umabot pa siya sa age na 35 bago mag-anak.  Kung sakali, ano ang gusto niyang maging first baby nila ni Drew?  Gusto raw niya ay baby girl at magiging happy ate raw ito sa magiging kapatid niya.   Pero kung hindi raw baby girl, basta healthy lamang ang magiging baby nila, okey na sa kanya.  Wish nila ni Drew ay three kids.

Show comments