Melissa nanay na nanay na ang hitsura

MANILA, Philippines - Sina Melissa Ricks at Empress Schuck sa Chinese New Year dinner ng talent manager na si Gio Medina sa Artista Salon sa may Road 1, Pag-asa, Quezon City.

Parehong may anak na sina Melissa at Empress.

Si Melissa ay obvious na obvious na nanay na dahil ang laki ng kanyang itinaba. Si Empress naman, medyo malaki na raw ang ipinayat kumpara noong kapapanganak pa lang.

Sa hitsura ni Melissa, puwede na talaga siya sa mother roles, pero si Empress, konting papayat lang, puwede pa ring magpa-sexy kahit na paano.

Actually, bago pa man nag-asawa, malaki na talaga ang itinaba ni Melissa, kaya naman hirap na rin siyang mabigyan ng mga proyekto sa ABS-CBN.

Mark iniyakan ang sex video

Si Gio rin ang manager ni Mark Neumann na isa sa stars ng Tasya Fantasya ng TV5.

In the news si Mark ngayon dahil sa kumalat na sex video scandal ng young actor.

Sabi ni Gio, hindi pa niya napapanood ang sinasabing sex video scandal ni Mark at tinatanong lang niya ang mga nagkukuwento sa kanya ng tungkol doon.

Ang sabi raw ng mga nakapanood ng sinasabing sex video scandal ni Mark ay “gifted” ang kanyang alaga, kaya ang reaction ni Gio, “May maipagmamalaki naman pala, kaya bongga. Ang masama kung wala naman palang maipagmamalaki ang alaga ko. Pero honestly, mas mate-tense ako kung nakapatong si Mark sa iba sa sinasabing sex video scandal niya!”

Anyway, may nakapagtsika sa akin na naiyak daw si Mark sa kanyang manager nang tanungin ni Gio ang young actor tungkol sa nasabing sex video scandal.     

Ang tsika pa, before pa raw sumali sa Artista Academy si Mark nang malinlang siya ng isang nagkunwaring si Ellen Adarna nakunan ang nasabing sex video scandal.

Dahil nga pala sa sex video scandal na ‘yon ay mas lalong pinag-uusapan ngayon si Mark.

Marami na rin ang interesadong panoorin siya sa Tasya Fantasya ng TV5.

Jay Aquitania maganda ang napangasawa

Ang kasal kahapon ng dating young actor na si Jay Aquitania na younger brother ni Antonio Aquitania.

Simple lang ang church wedding sa Clark, Pampanga ni Jay at ng napangasawang Fil-Am na si Kim.

Mga tatlong taon na raw na magkakilala sina Jay at Kim.

Based sa Switzerland si Kim at doon na raw maninirahan ang dalawa.

Ayon sa source ko, napakaganda raw ng napangasawa ni Jay.

Show comments