Andre at Barbie, may ‘damdamin’ na sa isa’t isa

Nawindang si Barbie Forteza nang biruin siya ni Jose Manalo sa segment ng Sunday PinaSaya tungkol sa mga hula-hula kaugnay ng Chinese New Year. Biro ni Jose, matangkad daw ang boyfriend ni Barbie at natameme ito sa pagtanggi, huh!

Sa totoo lang, between Barbie at Yassi Pressman na ka-loveteam sa movie ni Andre Paras, ‘di hamak na mas lamang ang Kapuso actress kesa sa Viva Princess kung oras ng pagsasama ang basehan.

Si Barbie, ilang taon nang nakapareha ni Andre sa The Half Sisters at ngayon ay sa That’s My Amboy naman. Sa tapings pa lang nila na halos araw-araw, halos beinte kuwatro oras silang magkasama, huh!

Samantalang si Yassi, kapag may movie lang silang ginagawa at saka nakakaniig ang panganay ni Benjie Paras.

So posibleng magkadebelopan sina Barbie at Andre, huh! May damdamin na rin kasi ang romansahan nila sa mga eksena hindi gaya noon na meron pang ilangan.

‘Yun nga lang, Andre has to be careful para hindi masaktan si Yassi. Tama na ‘yung hindi siya umaamin na may karelasyon para tuloy pa rin ang masaya niyang mundo sa TV at sa pelikula, huh!

Panday hindi ginawang basta-basta

Naku, maiinsekyur tiyak ang ibang Viva artists sa grand presscon ni Richard Gutierrez para sa TV5 series niyang Ang Pagbabalik ng Panday!

Kasi naman, binago ang venue ng presscon at hindi ito gagawin sa Music Hall sa Metrowalk na madalas venue ng presscons ng TV5 shows ng Viva at ilan nilang pelikula, huh!

Eh, rason naman daw ng produksyon, kaila­ngan ng mas malaking venue para mag-set up ng background.

Bibihisan daw nila ang nasabing venue upang umangkop sa setting ng series.

Isa pa, fitting welcome rin ito para kay Chard na nagbabalik din sa paggawa ng series sa Ang Panday, huh! Isa ito sa malaki ring produksyon ng Viva sa TV5 kaya kailangan super-special talaga!

Show comments