Maine never daw nagkaroon ng manliligaw!

No doubt na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang sought-after commercial endorser ngayon.

Bukod sa paglabas niya sa kalyeserye ng Eat Bulaga, naka-devote din ang panahon ni Maine sa kanyang pagiging product endorser.

Kaya naman nang tanungin kung may panahon pa ba siya na mag-entertain ng mga manliligaw, mabilis na sumagot ito na wala naman daw nanliligaw sa kanya kahit noon pa.

“Before naman ako pumasok sa showbiz, wala namang nanliligaw sa akin. Wala namang nagdi-dare talaga even before,” tawa pa niya.

Kahit na napapanood silang very sweet ni Alden sa TV, nanatiling magkaibigan daw silang dalawa.

“Pareho kasi kaming busy para maisip ang mga ganyan. Si Alden kasi workaholic din siya. Wala nga siyang pahinga, eh.

“Pareho lang kami. Pero ang pinapakita namin sa Eat Bulaga, talagang gano’n kami. Para kaming mga bata kapag nagkakasama kami,” diin pa niya.

Ang bubbly personality nga ni Maine ang siyang unang nagugustuhan ng mga advertisers dahil sobrang nakaka-relate sa kanya ang mga consumer ng mga produktong ini-endorse niya.

Kaya hanggang sa TV commercial ay pinapakita ang bubbly and wacky side na iyon ni Maine na unang minahal ng mga fans niya sa kanya.

Ang latest nga na endorsement ni Maine ay ang CDO Funtastyk Young Tocino na noon pa ay paborito na niyang kainin.

Eugene ayaw nang magkapamilya

Inamin ni Eugene Domingo na wala raw siyang balak na magkaroon pa ng anak. Kuntento na raw siya sa buhay niya at ang magkaroon ng anak ay hindi raw niya naisip kahit noon pa.

“Kung gusto ko talaga magkaanak, sana noon ko pa pinlano, ‘di ba?

“Ngayon kasi, nasa delikadong stage na ako para magbuntis. Tapos mas priority ko ang career natin. Magiging unfair naman ako sa magiging anak ko kung hindi ko siya maalagaan ng husto,” diin pa ni Uge.

Nabanggit naman ni Uge na meron naman daw siyang inspirasyon ngayon. Hindi naman niya nasabi kung sino ito.

“Tama na ‘yung may nagpapangiti sa atin. After a long and tiring daw sa trabaho, alam mong may taong gusto kang maging okey at kumustahin ang naging araw mo.

“Wala sa bansa ang tinutukoy kong inspirasyon. He’s somewhere out there!” sabay tawa niya.

Mapapanood siya sa kakaibang comedy anthology ng GMA 7 na Dear Uge.

Tinaguriang SnapChat Queen na si Katie May, patay sa edad na 34

Sa edad na 34, sumakabilang-buhay ang sikat na Playboy model na si Katie May sanhi ng blockage sa kanyang carotid artery na nagresulta sa isang stroke.

Nakilala nga si Katie May sa social media bilang SnapChat Queen.

Naglabas ng isang official statement ang pamilya ni Katie May tungkol sa malungkot na trahedya na sumapit sa kanila.

“It is with heavy hearts that we confirm the passing today of Katie May–mother, daughter, sister, friend, businesswoman, model and social media star–after suffering a catastrophic stroke caused by a blocked carotid artery on Monday.

“Known as ‘MsKatieMay’ on the Internet and the ‘Queen of Snapchat,’ she leaves behind millions of fans and followers, and a heartbroken family.

“We respectfully ask for privacy in this difficult time.”

May naiwan na 7-year old daughter si Katie May. Nagbukas nga ng GoFundMe page ang pamilya ng pumanaw na Playboy model para makapag-raise ng $100,000 para masuportahan ang bata.

“Anyone who was lucky enough to know Katie May was truly blessed by her incredible heart, mind and soul. Please help us by donating money to support her daughter.

“We want to raise as much money for her daughter’s living trust as possible to ensure she will always be taken care of. Her daughter was Katie’s whole life, so please help Katie and her family by donating money.”

Sa latest na donation, umabot na ito sa $10,000.

Karamihan ng nag-donate ay galing sa 2 million followers ni Katie May sa Instagram at SnapChat.

Show comments