^

Pang Movies

The Voice winner na si Jason Dy hindi pa kayang gastusan ang pamilya

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi napigilan na maiyak ni Jason Dy nang tanggapin nito ang tatlong awards sa katatapos na musical awards ng Wish 107.5 sa Smart Araneta.

Bale ba first major awards ang nakuha ni Jason - Wishers’ Choice – Male Artist of the Year kasama pa ang Best Wishclusive Performance by a Male Artist Stay With Me / See You Again Mash-up, at  Wish Urban Song of the Year – Milagro. 

Ilang buwan pa lang daw siya sa music industry pagkatapos manalo sa The Voice ng ABS-CBN kaya super thankful ito sa lahat ng fans na bumoto at nag-text para manalo sa nasabing tatlong kategorya.

Nanalo rin ang foundation na napili ni Jason ng 100 thousands pesos, ang Food for the Hungry Philippines.  Matagal na raw niyang advocacy na labanan ang kagutuman sa bansa. Kaya nagpapasalamat siya sa Wish 107.5 na hindi lang kumikilala sa talento ng mga Pinoy musician kundi tumutulong din sa mga foundation.

Unang bumati sa pagkapanalo ni Jason ang kanyang mommy mula sa Singapore.  Excited na uling makapiling ni Jason ang kanyang ina dahil plantsado na raw ang kanilang bakasyon sa Bali, Indonesia.

Hindi raw niya libre ang kanyang pamilya, dahil hati-hati muna sila ng bayad at gastusin sa kanilang lakad. Pero masaya siyang makakasama ang nanay at kapatid nito sa darating na bakasyon.

Samantala, wala pang nobya si Jason ngayon. Hindi lang daw siya active looking dahil busy ito sa kanyang career na gusto muna niyang tutukan. Buong buhay ni Jason ay hangad niyang maging singer, kaya hindi niya sasayangin ang pagkakataon ngayong  nakapasok na siya sa music industry.

Busy ngayon si Jason sa pagpo-promote ng kanyang self-titled album na may nine songs. Bukod dito ay abala rin siya sa pag-aasikaso sa gagawing first major concert nito na isasabay din sa kanyang birthday sa June 19. Pero wala pang final date kung kailan ang concert at kung saan ang venue. Magsisimula na rin ang kanyang printing business na kasama sa package na napanalunan nito sa The Voice Phils.

ANG

BEST WISHCLUSIVE PERFORMANCE

HUNGRY PHILIPPINES

JASON

JASON DY

KANYANG

MALE ARTIST OF THE YEAR

MALE ARTIST STAY WITH ME

PERO

SEE YOU AGAIN MASH

SMART ARANETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with