Gretchen gusto munang i-enjoy ang career bago pakasalan si Robi!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - February 1, 2016 - 9:00am

Bagay palang mag-tandem sa hosting sina Gretchen Ho at Robi Domingo. Na nagkaroon ng sample sa first musical awards ng Wish 107.5 kamakailan sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa mahusay na host ang magkarelasyon ay para lang silang nagdi-date habang nagho-host.

Natupad din sa nasabing hosting job ang pangarap ni Gretchen na mag-date sila ni Robi habang may live band. Kaya kinikilig ang buong Araneta dahil nilalanggam ang  magdyowa sa ka-sweetan dahil panay ang dikit ni Robi sa balikat ni Gretchen na nadadala rin sa mga magaganda at  magagaling na performers ng show.

Panay din ang request ni Gretchen na kantahan siya ni Robi na hindi magawa ng nobyo dahil alam naman ng lahat na sintunado ito.

Nagbibiro pa si Robi na ang theme song nila ay What You Mean? at Love Yourself ni  Justin Bieber.

Parang mas guwapo rin si Robi habang kasama ang nobya na nagho-host.

Aminado si Gretchen na new experience para sa kanya na makasama si Robi sa isang hosting assignment. Marami rin daw siyang natutunan kay Robi.

Dahil bagay silang magsama, gusto ni Gretchen na sana raw ay magkaroon sila ng show na magkasama pero siyempre naka-depende pa rin sa ABS-CBN kung saan sila napapanood sa magkahiwalay na show.

Ngayong Valentine’s Day ay wish ni Gretchen na magkaroon sila ni Robi ng date  outside Manila naman.

Nakikita raw niya ang sarili na magpapakasal after five years kay Robi dahil ngayon gusto pa rin niyang ma-enjoy ang kanyang career sa Kapamilya Network.

ANG GRETCHEN GRETCHEN HO JUSTIN BIEBER KAPAMILYA NETWORK LOVE YOURSELF NGAYONG VALENTINE ROBI ROBI DOMINGO SMART ARANETA COLISEUM WHAT YOU MEAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with