Arci makakabangga ang ex na si Willie?!

MANILA, Philippines – Ngayon ang thanksgiving presscon ng Pasion de Amor na sobrang na-extend at matatapos pa lang sa February 26. Tamang-tama at matatanong ko si Arci Muñoz kung ano ang masasabi niya na simula sa Monday ay makakatapat na nila ang Wowowin ni Willie Revillame.

Kung matatandaan, sandaling nag-co-host si Arci sa show noon ni Willie sa TV5.

Nagkaroon pa nga ng issue noon na type raw ni Willie si Arci, pero dedma lang naman ang sexy actress dito.

Anyway, isa si Arci sa maraming dapat ipagpasalamat sa tagumpay ng Pasion de Amor dahil rumatsada ang career niya dahil sa sexy series na ‘yon ng ABS-CBN.

Parang “re-launching” nga ni Arci ang Pasion de Amor dahil “introducing” ang billing niya roon kahit nanggaling na siya sa GMA 7 kung saan ay produkto siya ng artista search show na StarStruck at ilang shows din ang ginawa niya roon hanggang lumipat siya sa TV5 at eventually nga ay naging Kapamilya after na i-co-manage siya nina Annabelle Rama at Boss Vic del Rosario ng Viva Artists Agency.

Dahil nga sa tagumpay ng Pasion de Amor, aba, almost every weekend ay may out of town shows si Arci at nakuha pa siyang endorser ng isang liquor brand.

Michelle ikakasal na rin sa basketbolista

Kasama rin sa cast ng Pasion de Amor si Michelle Madrigal. Kung kasama siya sa thanksgiving presscon mamaya, tiyak na matatanong siya sa tsikang malapit na silang magpakasal ng kanyang boyfriend na basketball player.

Mauusisa rin siya tungkol sa pagiging engaged na ng ate niyang si Ehra Madrigal sa isang non-showbiz guy.

Willie kayanin kaya ang powers ni Luis?

Going back to Wowowin, bukod sa Pasion de Amor ay makakatapat din nito ang napakalakas na game show ng ABS-CBN, ang Deal or No Deal na iniho-host ni Luis Manzano.

Noon pa dapat natapos ang Deal or No Deal at may ibang game show na nga sana na ipapalit dito na si Luis pa rin ang host, pero sadyang napakataas ng ratings nito, kaya hindi mapalit-palitan.

Makaya kaya ng powers ni Willie ang lakas ng Deal or No Deal at Pasion de Amor?

Makabog kaya sila ni Willie?

Papayag ba naman ang Kapamilya network na basta na lang sila pakabog sa TV host/producer na dati nilang Kapamilya?

Well…

Noranians duda sa kita ng pelikula ni Ate Vi

Naka-P15 million daw ang Everything About Her movie nina Gov. Vilma Santos at Angel Locsin under Star Cinema na nag-open sa mga sinehan noong Wednesday.

May mga duda sa figures na ito, pero ipinagsisigawan naman ng Vilmanians na talagang malakas ang pelikula ng kanilang idolo. Nakakaaliw naman daw talaga ang Everything About Her.

Inaasahan nga raw ng fans ni Ate Vi, pati nina Angel at Xian Lim na lalong lalakas ang Everything About Her ngayong weekend.

Well, sana nga para huwag magduda ang Noranians sa box-office success ng Everything About Her, huh!

‘Yun na!

 

Show comments