Barbie parang kiti-kiti ‘pag kasama si Andre
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 24, 2016 - 9:00am

Hindi nakaligtas sa pambubuska nina AiAi delas Alas at Alden Richards si Barbie Forteza sa comedy skit nila kahapon sa Sunday PinaSaya sa GMA 7.

Special guest kasi sa segment si Andre Paras to promote their new primetime romantic-comedy series na That’s My Amboy.

Sa halip na name ng character ni Barbie sa skit, tinawag siya nina AiAi at Alden ng Barbie, tanong ni AiAi, “Bakit tuwing igi-guest natin si Andre sa show, kilig na kilig ka lagi?” tumayo pa si AiAi at itinulak si Barbie para mapayakap kay Andre na niyakap naman ang leading lady niya.

Biro naman ni Alden, “Barbie, bitawan mo na ang kamay ni Andre,” sagot naman ng tween star, ayaw daw kasing bitawan ni Andre ang kamay niya.

Anyways, huhusgahan na sina Barbie at Andre simula mamayang gabi, sa That’s My Amboy na idinidirek ni Bb. Joyce Bernal with guest Director Dominic Zapata.

Bago ang schedule ng GMA 7 primetime series simula ngayong gabi. After ng 24 Oras, isusunod na ang Little Nanay ni Kris Bernal, That’s My Amboy, Because of You nina Gabby Concepcion, Carla Abellana, at Rafael Rossell at ng Pinoy adap­tation ng Koreanovelang Temptation.

Maine, nagsolo sa meet and greet

Saturday afternoon, after ng Eat Bulaga, lumipad si Maine Mendoza aka Yaya Dub for Cebu para sa kanyang first solo meet and greet with her fans para sa ini-endorse niyang O+ (O PLUS) cellphone.

Maaga ang event kaya as early as 4:00 a.m. kahapon ay nagdatingan na ang AlDub Nation sa SM Seaside Cebu. Naiiba ang meet and greet na iyon dahil nagpapasok na ang mall as early as 6:00 a.m. dahil ginawa ang show habang sarado pa ang mall.  Mahigpit sila at ang puwede lamang pumasok sa venue iyong may mga hawak ng #Pairfect passtickets na ibinigay sa kanila at puwede nilang makausap, maka-dushmash or magpabebe wave photo op with Maine and have a private breakfast with her sa closed mall event.

Kaya para makita si Maine ng napakaraming fans na naghintay sa labas ng mall, lumabas si Maine sa third floor ng mall kung saan naroon ang store ng O+ at nagpabebe wave sa kanila.

Tumagal din ng two hours ang meet and greet ni Maine with her fans at nagkaroon siya ng chance na makapag-rest nang matagal-tagal sa hotel room dahil bumalik siya ng Manila at 8:00 p.m. flight kagabi.

Kiko natawa sa bintang na sex video

Tinawanan na lamang ni Kiko Estrada ang ipinakita sa kanyang sex video ng isang guy na sinasabing siya raw iyon.

Seryoso niyang sabi, conservative siya at hindi siya gagawa ng ganoon, kahit daw ang daddy niya (actor Gary Estrada) ay hindi naniniwalang siya iyon.

Maliban sa Instagram account wala raw siyang Twitter, at Facebook, mas focus daw siya talaga ngayon sa work niya, na thankful siya sa GMA 7 dahil nagkasunud-sunod ang projects niya at ang latest nga ang That’s My Amboy na para na rin siyang bida dahil magkalaban sila sa popularity ni Andre Paras sa story.

Hindi pa rin inaamin ni Kiko na ganoon na sila kaseryoso ng tween actress na si Kim Rodriguez, nililigawan niya talaga si Kim at talagang very close na sila sa isa’t isa at hindi niya itinatanggi na magiging sila na rin soon.

Basta work lamang muna sila ni Kim.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANDRE ANDRE PARAS ANG BARBIE BARBIE FORTEZA BECAUSE OF YOU CARLA ABELLANA MY AMBOY SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with