May spark pa kaya?! P-Noy at Pia, magkakaharap na uli
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

Ultra busy ang current Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach, who arrived yesterday for a quick visit to the country, na magsisimula bukas, as her schedule will include a courtesy call sa Malacañang.

Well, finally magmi-meet na uli sila ni President P-Noy, who reportedly, nanligaw sa kanya, when she was not proclaimed yet na the beautiful girl in the Universe.

Wow, abangan natin ang magaganap, since, ire-report in details tiyak ng Malacañang press ang magaganap sa muling pagtatagpo ng dalawa.

Wish we got to see the said meeting, live sana, in Kris TV, with no less than President P-Noy’s youngest sister, Kris Aquino, intervie­wing Pia.

Well abangan natin.

Likewise, she will daw pay, too a courtesy call sa Senado. After which, magaganap ang kanyang Grand Homecoming Parade cove­ring Manila, Makati and the Araneta Center in Cubao.

Six days din magtatagal sa Pilipinas si Pia.

Ang tanong, mapagbigyan kaya ni Pia at ng mga taong “nakapaligid” sa kanya sa kasalukuyan ang hiling ni Pauleen Luna, na magpakita man lang siya sa kasal nila sa St. James Chapel in Ayala Alabang ni Bossing Vic Sotto?

Both Pia and Pauleen were former Star Magic talents.

Mga anak ng mga artista, madadagdagan na naman sa showbiz

Wow, ang daming mga anak ng hanggang ngayo’y aktibo pang artista who will be joining the business, too, like their parents.

Huwag na nating isama si Alonzo  Muhlach, anak ng dating child wonder na si Niño Muh­lach, na talent na ngayon  ng entertainment wri­ter at restaurant manager na si Aster Amoyo.

Nor ang Atayde brood na sina Arjo at Ria, both children ng aktres na si Sylvia Sanchez. Nor si Janine Gutierrez, na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Maituturing na ‘old hats’ na ang Gutierrez brood, mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Guterrrez, na sina Ruffa at Richard, since they have been in the business for quite a while.

Likewise, sina Maxene at Elmo Magalona, anak ng late King of Rap na si Francis Magalona.

Well, sa ngayon, abangan natin ang “pagpasok” sa business ng anak ni Gina Pareño na si Racquel Pareño, at ang anak ni Alma Concepcion kay businessman Dodie Puno, si Kobe Puno.

Both reportedly will be co-managed by Aster and Viva Films.

Mag-aartista na rin, balita naming ang isa sa da­la­wang anak na babae ni  Joel Torre. At ng isa ring anak ni Edu Manzano.

Both will have for their talent manager, Viva Entertainment’s executive and concurrently, too, the president of the organization of talent managers, the Professional Association of Mangers, Inc (PAMI), June Rufino.

June manages the careers of father and son Edu and Luis Manzano.

Luis lima-lima na ang show

Speaking Luis, as if hindi sapat ang kasalukuyang pagkakaroon niya ng tatlong programang, pawang siya ang host, namely Deal Or No Deal, Celebrity Playtime and the new Pilipinas Got Talent (PGT), heto at may nakaabang na namang bagong season sa kanya ng The Voice of The Philippines.

Sundays nga pala, before ASAP Live, he is seen hosting a segment in the show.

Sideline ni Luis at kanyang tinututukan ha, ang paghu-host ng mga events show organized by named companies.

Wow, Luis, may your tribe increase.

Happy birthday…

Belated happy birthday to good friend and colleague Shirly Pizarro, who turned a year older yesterday (January 23).

Tomorrow (January 25) is the birthday of Tess Gubi of Star Magic, Dra. Vicki Belo, Nyoy Vo­lante and Edgar Cruz.

Happy returns of the day to them.

ACIRC ALMA CONCEPCION ANAK ANG ANNABELLE RAMA ASTER AMOYO ASTER AND VIVA FILMS ATILDE AYALA ALABANG LUIS PRESIDENT P-NOY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with