Kahit inaamag na Kris binuko ang nangyari kina P-Noy at Bernadette Sembrano
Jun Lalin (Pang-masa) - January 21, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ibinuking ni Kris Aquino sa morning talk show niya na KrisTV na may binalikan palang girlfriend ang kuya niyang si Pres. Noynoy Aquino.

Noong nakarelasyon pala ni PNoy ang newscaster na si Bernadette Sembrano, nagkahiwalay ang dalawa, pero nagkabalikan din.

That time, aminado si Kris na gustung-gusto nila si Bernadette para sa kanyang Kuya Noy at ka-textmate pa nga raw nilang magkakapatid ang newscaster.

Nalungkot nga raw sila dahil tuluyang nagkahiwalay ang kanyang Kuya Noy at si Bernadette.

Sabi nga pala ni Kris, sinabihan na siya ng kanyang Kuya Noy na huwag nang magdaldal ng mga kung anu-anong bagay tungkol dito, kaya tiyak daw na sisitahin siya ng ating presidente.

Pero sabi ni Kris, nasa Bangkok, Thailand daw siya ngayon, kaya kahit tawagan siya ng kanyang Kuya Noy sa ibinuking niya tungkol sa naging relasyon nito kay Bernadette ay lusot na siya dahil hindi niya sasagutin ang tawag ng ating presidente at nasa ibang bansa nga naman siya.

Sa January 26 (Tuesday) ang balik sa bansa ni Kris.

Teka! Kahapon ipinalabas sa KrisTV ang revelation na ‘yon ni Kris tungkol sa lovelife noon ng kanyang Kuya Noy at ngayon pa lang siya paalis pa-Bangkok, posible kayang nasita siya kahapon ng ating presidente?

Sa totoo lang, nakakaaliw at very interesting magkuwento si Kris kesehodang inaamag na ang kuwentong ibinuking niya tungkol sa kanyang Kuya.

Mga pulitikong eepal sa pagbabalik-bansa ni Pia, inaabangan na

Teka! Speaking of PNoy, sa Monday pala ay may courtesy call sa kanya ang reigning Miss Universe na si Pia Alonzo Wurtzbach, huh!

Siyempre, tiyak na bubuhayin ng mga intrigero’t intrigera ang pagkaka-link noon ni Pia kay PNoy, huh!

I just wonder – intrigahin din kaya ng Malacañang press ang dalawa kapag nagkita sila sa Monday?

Maungkat kaya ang intrigang binasted ni Pia si P-Noy?!

Sayang nga lang at sa Monday ay wala pa si Kris, mas maganda sana kung nasa Malacañang siya dahil puwedeng-puwede niyang tuksuhin ang kanyang Kuya Noy at si Pia, huh!

Anyway, sa Monday morning daw ang courtesy call ni Pia sa ating presidente at after no’n, pupunta rin daw siya sa Senate at saka sisimulan ang grand parade sa Sofitel Hotel at magtatapos daw sa may Ayala Avenue, Makati City.

Oo nga pala, sinu-sino kayang politicians ang eeksena sa grand homecoming na ito ng ating Miss Universe 2015?!

Barbie at Andre, isang lingo lang nagpahinga

Isang linggo lang pala ang pahinga sa telebisyon ng tambalan nina Barbie Forteza at Andrei Paras dahil sa Monday ay mapapanood na uli sila sa That’s My Amboy ng GMA 7.

Sabi ni Barbie, medyo nakakapanibago dahil sa primetime naman sila mapapanood ni Andre after mamayagpag sila ng mahigit na isang taon sa The Half Sisters.

Aware nga pala si Barbie na mas maiksi ang itinatagal ng primetime shows compared sa afternoon series, pero sana raw ay maging kasing-successful pagdating sa rating ang That’s My Amboy ng katatapos pa lang nilang afternoon series.

 

 

 

ALIGN ANG BARBIE BERNADETTE KRIS KUYA KUYA NOY LEFT QUOT SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with