Richard mainit na tinanggap ng mga Cebuano!
Jun Lalin (Pang-masa) - January 18, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines - Ang matinding init na sinapit ng mga artistang sumali sa Sinulog Festival Parade kahapon.

Si Richard Gutierrez ang sinamahan ko sa Cebu City kung saan ay may float ang Ang Panday ng new TV5. Pinagkaguluhan ang float ng Ang Panday.

Ayon sa mga taga-TV5 na nakasama namin, maging ang mga Cebuano raw ay sobrang excited na sa mga pagbabagong magaganap sa TV5 sa pamumuno ni Boss Vic del Rosario.

Dahil may Ang Panday float, may mga taga-Cebu na nag-akalang may float din ang Bakit Manipis Ang Ulap? na isa ring bagong series ng TV network na pag-aari ng grupo ng businessman na si Mr. Manny Pangilinan.

May mga nagtanong nga sa akin kung nasaan si Claudine Barretto na pangunahing bida ng Bakit Manipis Ang Ulap? 

In fairness, kung excited na ang mga Cebuano sa Ang Panday, excited din sila sa pagkakaroon uli ng regular TV series ni Claudine.

Melai, Jason, at Ogie spotted din sa Sinulog

Ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco sa lobby ng Waterfront Hotel kahapon. Nag-join din sa Sinulog Festival Parade ang mag-asawa.

Endorser ng isang pawnshop/pera-padala shop si Melai na unang nakilala sa Cebu.

In fairness, may malaki siyang billboard sa Cebu, huh! Nasa Cebu rin si Ogie Alcasid, pero sa rami ng tao sa parade, hindi ko na siya nakita.

Narinig ko lang sa ibang mga Cebuano na tuwang-tuwa sila na nakita ang mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Show ng Kapamilya, dinumog

Nang magpunta ako sa Ayala Center Cebu noong Saturday night ay katatapos lang ng Kapamilya show na ang isa sa mga itinampok ay si Coco Martin.

Sa nakita kong pictures na pinost ni Biboy Arboleda sa kanyang Facebook account, makikita roon na dinumog ang show ng ABS-CBN.

ANG ANG PANDAY AYALA CENTER CEBU BAKIT MANIPIS ANG ULAP BIBOY ARBOLEDA BOSS VIC CEBU CEBU CITY CEBUANO MGA SINULOG FESTIVAL PARADE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with