Ruffa nagmumukhang bata sa dyowa
Jun Lalin (Pang-masa) - December 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Sa Hong Kong sasalubungin ng pamilya Gutierrez ang 2016.

Matagal nang nakapagpa-book ng biyahe ang pamilya nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, pero nang makatsikahan ko kahapon ang Gutierrez matriarch, naikuwento niyang hindi na sasama sa Hong Kong si Ruffa Gutierrez.

Sa San Vicente, Palawan na raw sasalubungin ni Ruffa ang New Year.

Inimbitahan daw kasi si Ruffa ng kaibigan niyang si Mayor Pie Alvarez.

Napakaganda ng San Vicente na ilang beses ding naging location ng iba’t ibang Survivor reality TV series.

Maraming mga taga-showbiz ang gustung-gusto ang lugar na ‘yon.

Ang napapabalitang may properties nga roon ay sina Derey Ramsay at KC Concepcion.

Anyway, marami ang gandang-ganda sa mga bagong pictorial ni Ruffa.

Kamakailan kasi ay naglabas ng mga bagong litrato ni Ruffa ang Cosmo Skin Glutathione and Collagen pati ang Avon at marami ang nagsasabing fresh na fresh ang dating ng actress/TV host sa mga litratong ‘yon.

Obvious nga raw na masaya si Ruffa sa kanyang lovelife sa boyfriend na si Jordan Mouyal at nagre-reflect ‘yon sa hitsura niya na parang nasa late 20’s pa lang.

Jeron handa nang pataubin ang Team Qatar

Ngayon ang alis ni Jeron Teng pa-Doha, Qatar.

Makakasama ni Jeron sa Doha ang former Ateneo de Manila University Blue Eagle basketball player na si Kiefer Ravena at ilan pang mga basketbolista at may exhibiton game sila roon kung saan ay makakalaban nila ang Team Qatar.

May shootout contest din daw kung saan ang isa sa makakalaban nila ay ang PBA legend na si Alvin Patrimonio.

Bale sa Saturday na ang balik sa bansa ni Jeron.

Pokwang kinaiinggitan sa maliit na bewang

Kahit mahilig magluto’t kumain, bibilib ka kay Pokwang dahil maintain na maintain niya ang magandang pangangatawan.

Sa presscon nga kahapon ng All You Need Is Pag-ibig, ang Metro Manila Film Festival 2015 entry ng Star Cinema, obvious na obvious ang sobrang liit ng bewang ni Pokwang.

Sexy talaga si Pokwang at maraming dalagang naiinggit sa kanyang panga­ngatawan.

Kung sa pelikulang All You Need Is Pag-ibig ay nganga ang lovelife ng cha­racter na ginagampanan ni Pokwang, sa totoong buhay naman, masayang-masaya ang comedienne dahil sa boyfriend na si Lee O’Brien.

Lampas din daw sa isang dekadang walang lovelife si Pokwang bago duma­ting sa buhay niya si Lee na nakilala niya nang maging leading man niya ito sa pelikulang Edsa Woolworth.

Maraming mga kaibigan ni Pokwang ang masaya sa kanya dahil sa maganda niyang lovelife.

Samantala, masaya naman si Pokwang at napasama siya sa pelikulang All You Need Is Pag-ibig.

Exciting daw ang pagkakaroon ng filmfest entry.

ACIRC ALL YOU NEED IS PAG ALVIN PATRIMONIO ANG ANNABELLE RAMA COSMO SKIN GLUTATHIONE AND COLLAGEN DEREY RAMSAY JERON POKWANG RUFFA TEAM QATAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with