Pokwang at Ruffa, nagpalitan ng hitsura!

MANILA, Philippines – Magbabahagi ng kuwentong kapupulutan ng aral ang child star na si CX Navarro kasama sina Pokwang at Ruffa Guttierez sa pamaskong handog ng  Wansapanataym Presents: Raprap’s Wrapper ngayong Linggo (Dec 6) sa ABS-CBN.

Dahil sa kanilang estado sa buhay, laging naiinggit si Raprap sa marangyang buhay ng kanyang mga kaklase. Gusto niyang mapalitan lahat ng mayroon siya, kahit ang kanyang inang si Sioneng (Pokwang). Maisasakatuparan ang kanyang hiling nang makapulot siya ng isang gift wrapper na may kapangyarihang palitan lahat ng ayaw niya sa kanyang buhay. Uumpisahan niya sa kanilang barung-barong na magiging isang mansiyon at isusunod naman niya ang kanyang nanay na magbabago bilang ang sopistikadang si Connie (Ruffa Gutierrez). Pero sa pagtagal ng panahon, mararamdaman niya ang kaibahan ni Connie kay Sioneng at gugustuhing bumalik na lang ang lahat sa dati.

Ngayong nabago na lahat ng bagay na inaakalang niyang walang halaga, maibalik pa kaya ni Raprap ang lahat sa dati? Maging kuntento na kaya siya sa kinagisnan niyang buhay?

Ang Wansapanataym Presents: Raprap’s Wrapper ay sa ilalim ng panulat nina Mari Lamasan at Raymond Diamzon at direksyon ni Darnel Villaflor.

Show comments