Gabby, Carla at Rafael, excited nang maghatakan

Katuwa naman ang bagong primetime serye na starting November 30, tuluy-tuloy na itong susubaybayan sa GMA 7, ang Because of You, isang light-hearted series na tiyak tatama sainyong puso.  

Dahil magaan sa dibdib ang takbo ng story na tungkol sa pasiklaban ng pag-ibig ng medyo may edad na lalaki versus batang lalaki.  

Kung baga agawan at unahan kung sino sa young and old guy ang winner sa puso ng dilag.  At ang mga pangunahing tatlong beautiful characters ay gagampanan nina Gabby Concepcion, the s-o-o-o-o handsome ‘old’ guy, Rafael Rosell the young guy na handsome din at masarap din kung baga sa ulam, yummy.  E, ang girl ang talagang ilalaban ng patayan, napakaganda, kahit saang anggulo sipatin maglalaway ka.  Napaka-flawless, manggang manibalang ang dating na si Carla Abellana.  Silang tatlo ay maghahatakan sa bawa’t episode ng Because of You.  

Confession of Gabby, “I’m, so happy and thankful with GMA 7, dahil sa pagkakasama ko sa teleseryeng ito, ang ganda ng story, pagkabasa ko sa script, hindi ako nag-second thought, nagustuhan ko, very light, hindi mabigat sa dibdib ang gagawin ng karak­ter ko.  Nakagawa na rin ako ng TV show at pelikula, pero nangangapa pa rin ako.  Pero sa Because of You, simple lang.  Saka nakatrabaho ko na rin si Carla noon, at relax siyang kasama”.

Sa parte naman ni Carla, very thankful din siya sa GMA 7, hindi siya pinababayaan same with other Kapuso stars.  

 

Show comments