Andi pinasikat lang si Bret

Magkakatabi kahapon sa presscon ng Angela Markado sina Paolo, Bret Javier at CJ Capa­ras, ang panganay na anak nina Donna Villa at Carlo Caparas.

Puwedeng mapagkamalan na magkakapatid ang tatlo dahil magkakahawig sila at pare-parehong mga mestizo.

Na-link noon si Bret kay Andi at siya ang nakinabang nang husto. Biglang nakilala si Bret ng madlang-bayan dahil sa mga libreng publicity pero hindi siya type nina Jaclyn Jose at Gabby Eigenmann para kay Andi.

Inakusahan si Bret na ginagamit lamang niya si Andi para sumikat siya. In denial naman noon si Andi na ayaw maniwala na sinabi ng kanyang ina at half-brother na user friendly ang mhin na ipinalit niya kay Jake Ejercito.

Cong. Roman Romulo, miyembro pa rin ng LP

Nilinaw ni Congressman Roman Romulo na member pa rin siya ng Liberal Party, kahit senatorial candidate siya ng Partido Galing at Puso nina Senator Grace Poe at Senator Francis Escudero.

Ang sey ni Papa Roman, naniniwala siya sa lahat ng mga plataporma ni Mama Grace kaya hindi siya nagdalawang-isip na kumandidato at suportahan ang presidential bid ng anak nina Susan Roces at Fernando Poe, Jr.

Pamangkin ni Freddie Aguilar hinatulan ng guilty sa pagpatay!

Guilty beyond reasonable doubt ang hatol ng korte kay Jason Ivler, ang suspect sa pagpatay kay Renato Ebarle noong 2009.

Naging maingay ang kaso ng pagpatay ni Ivler kay Ebarle dahil bukod sa pamangkin siya ng folk singer na si Freddie Aguilar, naging artista rin siya noong bagets pa.

Karakter ang nanay ni Ivler na si Marlene Aguilar na ginawa ang lahat para hindi makulong ang kanyang anak na sinubukan noon na magtago sa batas pero nahuli rin sa kanilang tahanan sa Quezon City.

Agad na naglabas kahapon si Marlene ng reaksyon niya tungkol sa desisyon ng korte sa kaso ng kanyang anak.

“Regarding Jason Ivler’s conviction today, please hear me well.

“The lawyers will appeal it. Son of Freddie Webb went to jail for 15 years and he was proclaimed NOT GUILTY later.

“As far as I am concerned, this is the CIA’s way of punishing me for my disobedience. It’s very complicated. This is part of the ‘game within games within games.’

I refuse to give any media interview. Why? It is because the answers I will give to their questions, the public would never understand. So what is the point?

“I remain very confident that sooner than later, truth and justice will prevail,” ang sey ni Marlene na binansagan ang sarili bilang She Dragon.

Paolo na-master na ang pangde-dedma sa relasyon nila ni LJ

Walang mapapala ang mga reporter na mag-uusisa sa tunay na status ng relasyon nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Kasama si Paolo sa cast ng Angela Markado at ang mga tsismis na may relasyon sila ni LJ ang tanong sa kanya ng entertainment press.

Na-master na ni Paolo ang pagsagot sa mga question tungkol sa kanyang personal na buhay at lovelife.

Kung sinagot man niya ang pag-uusisa ng mga reporter, sure ako na walang kumpirmasyon at denial? Si Paolo pa?

Nagsimula ang acting career ni Paolo bilang child star kaya alam na alam na niya kung paano lulusutan ang mga intriguing question na may kinalaman sa matagal nang natsitsismis na pagkakamabutihan nila ni LJ.

Show comments