^

Pang Movies

Baeby Baste bibung-bibo sa birthday ng big boss ng TAPE

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Meeting of friends ang peg ng birthday dinner ni Ms. Malou Choa-Fagar, Senior Vice President ng TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga sa 38 Valencia Events Place.

Present halos lahat ng mga friends ng celebrant. Isa nga sa surprise guest ni Malou si Lola Nidora (Wally Bayola) at nagbigay siya ng words of wisdom sa may birthday. Paborito pala si Lola Nidora ni Mother Lily Monteverde kaya nag-retouch pa siya ng make-up bago lumapit kay lola, na tawag naman sa kanya ay “kumareng Lily.”

Sa isang table, naroon sina Ms. Susan Roces, ang mag-asawang Sen. Tito Sotto and Helen Gamboa, mga members ng PAMI, Danny Dolor, Manay Marichu Maceda at duma­ting din ang mag-asawang Joey de Leon at Eileen Macapagal, Diamond Star Maricel Soriano, Cong. Lani Mercado-Revilla, Meryl Soriano, Tirso Cruz III with daughter Djanin and son Bodie, Ali Sotto with husband, Ian de Leon and wife, Pops Fernandez, ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño, Direk Laurice Guillen with daughter Ina Feleo.

Hindi man nakarating ang magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza (na nagpaalam kay Malou para manood ng Sam Smith Live in Manila sa MOA Arena, si Alden naman after mag-rehearse for Sunday PinaSaya ay nagpaalam na uuwi na, dahil halos wala pa siyang tulog mula sa show niya sa City Coliseum sa Puerto Prin­cesa, Palawan last Friday at pagbalik sa Manila ng Satur­day, diretso na siya sa Eat Bulaga), present naman sina Ryzza Mae Dizon at si Baeby Baste na kinatuwaan ng mga guests.

Christopher ayaw maging spoiler sa kahihinatnan ng BS

Magkasamang dumating ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong.  Ayaw namang mag-spoiler si Boyet kung ano ang mangyayari sa finale week simula ngayong Monday, ng Beautiful Strangers na napapanood after ng Little Nanay sa GMA 7.

Sa kapipilit namin, sinabi niyang may dalawang characters na mamamatay, pero ayaw niyang sabihin kung sino.

Napahalakhak lamang siya nang magbigay kami ng names ng mga characters ng drama serye. May last two taping days pa raw sila ng finale episode kaya ayaw niyang i-divulge kung sino ang mga iyon.

Hindi pwedeng walang kantahan, kaya sing sina Tirso, Aiza, Direk Ricky Davao (na haping-hapi sa magandang pilot week ng Little Nanay nina Nora Aunor, Bembol Roco, at Kris Bernal), Pops.

Nakaalis na kami nang dumating si Sen. Grace Poe with husband Neil Llamanzares. Sorry po kung may na-miss kami sa guests na sa dami ng tao hindi namin napansing lahat.

THS, extended uli?!

Totoo kayang baka ma-extend uli ang top-rating afternoon prime na The Half Sisters na napapanood after ng Eat Bulaga?

Simula kasi ngayong Monday, papasok pa ang characters nina Gardo Versoza at Rap Fer­nandez bilang mga doctor-psychiatrists ni Rina (Jean Garcia).

Ayon sa kuwento, nagkasakit si Rina nang ma­matay ang asawang si Benjie, hindi niya ipinaalam sa kambal niyang sina Diana (Barbie Forteza) at Ashley (Thea Tolentino) kung nasaan siya.

Magkaroon kaya ng pagbabago sa buhay ni Rina sa pagda­ting ng kanyang bagong doctor na maka­kaunawa sa kanyang pinagdaraanan?

ACIRC

AIZA SEGUERRA

ALDEN RICHARDS

ALI SOTTO

ANG

BAEBY BASTE

BARBIE FORTEZA

EAT BULAGA

LITTLE NANAY

LOLA NIDORA

RINA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with