Pelikula ni Kris sa Pasko, apektado sa kanyang pag-iinarte?!

Napapanood na ang trailer ng My Bebe Love at sa teaser pa lang, marami na ang kinikilig sa mga eksena nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pero mas nakakaloka ang mga feedback na may kilig din ang tandem nina Vic Sotto at AiAi delas Alas.

Ang My Bebe Love ang hinuhulaan na magiging top grosser sa Metro Manila Film Festival, hindi ang pelikula nina Kris Aquino at Derek Ramsay.

Marami ang nag-promise na hindi nila susuportahan ang filmfest movie ni Kris dahil sa offensive sunburn joke niya. Hindi nila ma-take ang insensitive joke ni Kris sa kabila ng paghingi nito ng paumanhin.

Anti-Kris na-research pati statement ni P-Noy

Masipag mag-research ang mga anti-Kris dahil natandaan pa nila ang controversial statement noon ni P-Noy na “Namatayan din ako ng ama, patas na lang tayo” na hindi nalalayo sa pralala ni Kris na  “Quits na tayo…”

At least, pinatunayan ni Kris na kapatid talaga siya ni P-Noy dahil pareho ang takbo ng  kanilang mga isip at ang mga katwiran nila.

Ang kaibahan lang, marunong mag-sorry si Kris samantalang pinaninindigan ni P-Noy ang mga statement nito na insensitive para sa ibang mga Pilipino.

Jaya dumami ang followers dahil kay Yaya Dub

Nadagdagan ang followers ni Jaya dahil sa impersonation sa kanya ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Flattered na flattered si Jaya dahil sa rami ng mga singer na puwedeng gayahin, siya ang napili ni Yaya Dub.

Therefore, hindi tayo dapat ma-surprise kung isa sa mga araw na ito, mapapanood natin ang duet number nina Jaya at Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Relasyon nina Rocco at Lovi, co-terminus ng Beautiful Strangers

Marami ang nakapansin na hindi na nila nakikita ang mga picture ni Rocco Nacino sa mga social media post ng kanyang girlfriend na si Lovi Poe.

May mga speculation na may problema sa relasyon nina Rocco at Lovi na tikom pa ang mga bibig sa tunay na estado ng kanilang love affair.

Matatapos na sa linggong ito ang Beautiful Strangers, ang tele­serye nina Rocco at Lovi. Kung totoo ang mga tsismis na hiwalay na sila, magmumukhang co-terminus ng Beautiful Strangers ang relasyon nila. Malalaman natin sa mga susunod na araw kung true ang tsismis na strangers na sa isa’t-isa sina Lovi at Rocco.

Andre gandang-ganda sa Wang Fam

Napanood na ni Andre Paras ang Wang Fam pero pinanood niya uli kahapon ang pelikula na pinagbibidahan nila nina Yassi Pressman, Benjie Paras, Pokwang at Alonzo Muhlach.

Nagpa-contest pa nga si Andre sa fans dahil pinahulaan niya ang sinehan na kanyang pupuntahan.

Highly recommended ni Andre sa lahat ang Wang Fam dahil gandang-ganda siya sa latest movie project niya sa Viva Films.

Show comments