Jeron Teng parang artista kung pagkaguluhan
Jun Lalin (Pang-masa) - November 18, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Ang anak ni Mother Lily Monteverde na si Dondon Monteverde sa De La Salle University Green Archers vs. Far Eastern University Tamaraws basketball game kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa showbiz, may basketball career din ang anak ni Mother Lily bilang manager ng ilang mga basketbolista.

Sinuportahan ni Dondon ang DLSU kahapon dahil siya ang manager ni Jeron Teng na tinaguriang King Archer.

Kahit may showbiz-touch si Dondon at kilala sa showbiz si Jeron, basketball pa rin daw ang priority ng kapatid ni Jeric Teng at sa ngayon, wala sa isipan ni Jeron ang pumasok sa showbiz although sa UAAP basketball players ngayon, isa siya sa may pinakamaraming product endorsements.

Parang artista nga rin pala si Jeron na inabangan kahapon ng kanyang supporters sa players entrance ng Smart Araneta Coliseum.

Richard mamamakyaw ng pasalubong kay Baby Zion

Nasa Milan, Italy pa rin si Richard Gutierrez at malamang na sa Monday pa ang balik niya ng bansa.

Um-attend ng Ducati bike convention si Richard.

Malayo man sa lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati at anak na si Baby Zion, madalas namang mag-video call si Richard sa dalawa.

Tuwang-tuwa si Baby Zion kapag nakikita ang kanyang Dada (tawag niya kay Richard) sa tuwing tumatawag ang aktor via video call.

Siguradong maraming pasalubong si Richard para kay Baby Zion pag-uwi niya next week.

Alam na alam ni Richard ang mga paboritong laruan ng kanyang anak dahil palagi silang nagba-bonding na mag-ama.

Basta puwede, isinasama ni Richard si Baby Zion sa kanyang mga lakad.

Jasmine kapos sa PR

Unlike her ate (Anne Curtis), hindi masyadong ma-PR si Jasmine Curtis-Smith.

Nakasama ko na noon si Jasmine sa Sydney, Australia kung saan nag-taping ang Ang Utol Kong Hoodlum series ng TV5, pero sa tuwing nakikita ako ng kapatid ni Anne, parang naghihintay siya palagi na siya muna ang unang babatiin bago siya babati.

Sa iflix event, ilang beses akong nakita ni Jasmine, pero hindi man lang siya bumati, kaya dedma rin ako sa kanya.

Si Anne, kahit noong sobrang kasikatan niya, kapag may nakikita siyang kakilala na mas nakakatanda sa kanya, asahan mong siya ang unang babati!

Paul Salas mas nagkahitsura nang magbinata

Ang pamilya ng dating child actor na si Paul Salas sa Sambokojin, Greenhills noong isang gabi.

Anak ng dating UMD member na si Jim Salas si Paul.

Regular si Jim sa isang te­leserye ng ABS-CBN at habang nagbibinata, lalong gumuguwapo si Paul.

Napagkamalan ko noon na girlfriend ni Paul ang dati ring child star na si Ella Cruz dahil magkasama sila sa Starbucks sa may Timog Avenue.

Nabanggit ko kay Paul na hindi ko type ang hitsura ngayon ni Ella na parang sexy star kung manamit at magkikikilos.

ANG ANG UTOL KONG HOODLUM ANNE CURTIS BABY ZION DE LA SALLE UNIVERSITY GREEN ARCHERS DONDON DONDON MONTEVERDE JERON PAUL SALAS RICHARD SMART ARANETA COLISEUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with