Maja may back-up para mag-Darna?!

MANILA, Philippines – Bakit kaya sinasabing si Maja Salvador ang pinakamatunog sa mga pinagpipilian na magbida sa Darna movie ng Star Cinema?

May nagpu-push nga kaya talaga kay Maja?

Kahit nga sa ABS-CBN ay sinasabing favorite si Maja dahil katatapos pa lang ng Bridges of Love ay nabigyan na siya kaagad ng bagong primetime te­leserye, ang action-packed show ni Coco Martin na Ang Probinsyano.

Anyway, ang iba pang pinagpipilian daw sa Darna movie ay sina Liza Soberano at Julia Montes.

Sabi nga pala ng isang taga-Star Cinema, Inc., totoo raw na wala pang napipiling Darna.

Niño ayaw patusin lahat ng offer kay Alonzo

Baka in two weeks time ay ilabas na raw ng ospital ang veteran actress na si Amalia Fuentes at sa bahay na lang ituloy ang gamutan dito.

Ayon sa pamangkin niyang si Niño Muhlach, patuloy pa rin ang pagdarasal nila na gumaling na ang kanilang Tita Nena.

Sa ngayon, ayon pa rin sa dating child wonder, patuloy pa ring inoobserbahan ang kalagayan ni Ms. Amalia.

“We’re really hoping and praying na gumaling na si Tita Nena,” sey ni Niño tungkol sa na-stroke na tiyahin.

Samantala, habang naghihintay sila na guma­ling ang kanilang Tita Nena, patuloy pa rin naman sa pag-ikot ang kani-kanilang buhay at tutok din si Niño sa anak na si Alonzo Muhlach.

Ngayon nga raw, sasamahan ni Niño si Alonzo sa presscon ng pelikulang Wang Fam ng Viva Entertainment kung saan trailer pa lang ay pansin na pansin na ang sobrang pagiging bibo ni Alonzo.

Marami ngang mga eksena sa trailer ng Wang Fam si Alonzo na sobrang nakakatawa.

Wala nga palang magiging conflict sa school ni Alonzo ang presscon niya mamaya dahil hanggang 11:30 a.m. lang ang class ng bata sa isang exclusive all-boys school sa may Greenhills, San Juan.

Sabi ni Niño, hindi niya basta-basta pinapayagang mag-absent ang anak sa school.

“Kaya nga hindi kami masyadong makatanggap ng regular show dahil dapat after school lang siya puwedeng mag-taping. Hindi talaga siya puwede sa umaga. May shows na rin na nakawala sa kanya dahil hindi ko nga pinapayagan na mag-absent ‘yan,” sabi pa ni Niño.

Sobrang excited daw si Alonzo sa pelikulang Wang Fam dahil pati ang direktor nilang si Wenn Deramas ay kakulitan ng kanyang anak.

Celebrity ambassadors ng Iflix, investors na rin

Bukod sa magkakapatid na sina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez, celebrity ambassadors din pala ng Iflix (movie streaming app na involved din ang top businessman na si Mr. Manny V. Pangi­linan) sina Jasmine Curtis Smith, Karylle at Iza Calzado.

Next week nga raw ay nakatakdang i-launch ang anim sa isang exclusive event ng Iflix.

Ang dinig ko, bukod sa celebrity ambassadors, investors din sa Iflix ang anim.

Pare-parehong business-minded ang anim na nabanggit na celebrities.

Show comments