Carla at Tom ginulat ng mga anak ni Kris
Jun Nardo (Pang-masa) - November 9, 2015 - 9:00am

Surprise supporter nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa premiere night ng Regal movie nila na No Boyfriend Since Birth last Sunday sa SM Megamall. Kaya naman nagkalat ang Presidential Security Group sa sinehan para bantayan ang dalawang anak ni Kris Aquino.

Eh, masaya’t magaan lang ang kabuuan ng mo­vie. Very modern din ang approach ni Direk Joey Reyes kaya magugustuhan ito ng mga kabataan. Patuk na patok pa ang mga dayalog ng tauhan ng movie kaya naman bentang-benta ito sa mga taong nanonood ng premiere.

Siyempre, epektibo si Carla bilang tatanga-ta­ngang babae na hopia (hoping) na mapapansin siya ng high school crush (Tom) niya nu’ng nag-mature na sila. Hanep na ang bitiw niya ang comic dialogues, winner din ang dramatic moments niya.

Hindi lang ang husay ni Carla ang bongga sa NBSB. Ang ga­ling din ni Mylene Dizon bilang istriktang boss niya, ang best friend niyang si Bangs Garcia na namamatay ‘pag walang lalaki at ang bading na officemate niya na si Ricci Chan.

Naku, ‘yung mga hopeless romantics at fans nina Carla at Tom na pangarap na magkatuluyan ang mga idolo nila, hindi sila mabibitin sa kilig scenes at hugot pa more scenes nilang dalawa. In end, isang pasabog na lips to lips ang pinakawalan nina Carla at Tom!

Albert hindi pa rin nakaka-move on sa away nila ni Amalia

Ipinarating pa rin ng mga apo ni Amalia Fuentes ang pagmamahal sa lola sa ipinalabas nilang official statement sa kalagayan ng retired actress ngayon.

Ang panganay na si Alyanna ang isa sa naging open sa pagsagot ng mga tanong sa Lola Amalia niya sa social media nang mamatay ang ina na si Liezel Martinez. Pati ang mana ay nasangkot sa isyu. Pero sa halip na kimkimin ang galit, ang official statement ang patunay na mas matimbang pa rin ang dugo sa tubig!

Ipinaaalam ng magkakapatid na Martinez na nasa bansa na si Amalia at kasalukuyang nagpapagaling dahil sa stroke na naranasan habang nagbabakasyon sa South Korea. Ilang weeks ding nanatili sa ospital sa Seoul si Amalia at nang puwedeng nang iuwi ay ibinalik na siya sa Manila diretso sa isang ospital.

After two weeks daw ay ilalabas na ang lola nila sa ospital at therapy ang kasunod na gagawin.

Wala nga lang ang name ni Albert Martinez sa names ng naglabas ng official statement. Looks like kung hindi pa siya nakaka-recover sa pagkamatay ni Liezel, hindi pa rin siya nakaka-move sa sigalot nila ng mother in law niya.

Hunk actor na itsinitsismis na bading, may boylet na estudyante

May tsismis na lumulutang na may boy toy na estudyante ang isang hunky actor. Questionable pa rin kasi ang gender ng aktor lalo na’t bukod sa pagkakaroon ng girlfriends noong bago sa showbiz, aba, umalingasaw rin ang tsismis sa relasyon niya sa isang klosetang aktor, huh!

Eh, matagal-tagal nang walang natitsismis na babae sa aktor. Pero kalat sa advertising world na meron siyang kept boyfriend na estudyante, huh! Kaya tumataas ang kilay ng mga bading sa industriyang ‘yon kapag nababa­litang may nililigawang babae ang hunky actor!

Tanggol naman ng mga bading na tipelya ang hunky actor, baka AC-DC siya. Puwede sa babae at puwede rin sa lalaki o bading, huh! He! He! He!

 

 

ACIRC ALBERT MARTINEZ AMALIA AMALIA FUENTES ANG BANGS GARCIA CARLA CARLA ABELLANA DIREK JOEY REYES MGA NIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with