^

Partida na nagpapabango at naga-alcohol pa Indie actress kasumpa-sumpa ang naging karanasan sa mabahong indie actor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 5, 2015 - 9:00am

Unforgettable nga para sa isang indie film actress ang naka-partner niya noon na isang indie actor. Guwapo at matipuno ito, pero matindi naman ang hindi magandang amoy nito sa katawan.

Kuwento nga ng sexy indie film actress na halos para raw siyang dumikit sa durian nang madikit siya sa katawan ng sexy actor. Hindi raw siya makapagreklamo dahil ayaw niyang mapahiya ang indie actor.

Pagkatapos nga raw ng kanilang eksena ay tumakbo ang indie film actress sa banyo ay naduwal sa sobrang baho ng amoy ng katawan ng indie actor.

 “Grabe ang amoy ng lalakeng ‘yan, guwapo pa naman,” kuwento pa ng indie film actress sa aming source.

 “Akala ko mabango siya kasi ang kinis naman ng katawan. Nakita ko naman sa mga gamit niya na may pabango at alcohol. Kaya mukhang malinis sa katawan. Pero unang dikit ko pa lang sa kanya, may kakaibang amoy na!

 “Gusto kong masuka sa harapan niya pero nagawa kong pigilan. Ayoko siyang mapahiya. Kaya tiniis ko ang amoy niya talaga. Akala ko mahihimatay na ako sa pagpigil ko ng hininga ko.”

Ang nakakabaho nga raw sa katawan ng indie actor ay ang mga kinakain nito. Mahilig daw kumakain ng maaanghang na pagkain ang indie actor kaya lumalabas ang amoy sa katawan niya.

 “Hindi ako pumayag na hindi siya maligo, mag-toothbrush at magpabango kasi may ilang eksena pa kaming magkasama at nakahubad kami,” diin pa ng indie actress.

 “Nagsabi talaga ako sa mga tao roon na hindi ako mag-shoot hanggang hindi naaayos ang amoy ng taong yan. Hindi sa maarte ako pero hindi ko kaya ang mabahong amoy niya.”

Nag-request pa nga ang indie actress na huwag masyadong lakasan ang pag-ilaw sa indie actor dahil kapag pinawisan daw ito ay lumalabas ang amoy nito.

 “Kung hindi nila type na parang hinagisan sila ng isang supot ng ginisang bawang at sibuyas, hindi nila siya iilawan ng husto para hindi siya pawisan,” pagtatapos pang kuwento ng indie film actress.

LJ at Paolo sweet-sweetan na  sa mga pinupuntahan

Kung noon ay walang pang kinu-confirm sina LJ Reyes at Paolo Contis tungkol sa kanilang relasyon, ngayon ay out in the open na  sila.

Binibiro nga si LJ na kumuha na naman ito ng bagong Paolo sa buhay niya. Ang ama kasi ng kanyang anak na si Ethan Aoki ay si Paulo Avelino.

Isang letra lang daw ang naiba sa dalawa.

Escort ni LJ si Paolo sa naganap na wedding ni RJ Padilla sa kanyang girlfriend na si Bianca sa Tagaytay.

Very sweet nga raw ang dalawa sa naturang wedding at mukhang hindi na nila tinatago ang kanilang relasyon.

Bukod kina Paolo at Paulo, naging boyfriend din ni LJ sina Mike Tan at Alfred Vargas.

Na-link din siya sa yumaong Kapuso young actor na si Marky Cielo.

Samantala ang ex-wife naman ni Paolo na si Lian Paz ay may sarili na ring buhay kasama ang basketball player/ businessman/entrepreneur na si Anjan Cabahug.

Sa Cebu na raw nakatira ang former EB Babes kasama ang dalawang anak nila ni Paolo.

Mga naugnay naman kay Paolo in the past ay sina Carol Banawa, Desiree del Valle at Isabel Oli. Natsismis din siya sa kay Gladys Guevarra.

ACIRC ACTOR ALFRED VARGAS AMOY ANG HINDI INDIE NBSP PAOLO SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with