Pumayat sa paghahanda Sarah kakaiba ang gagawin sa kanyang concert!
Jun Nardo (Pang-masa) - November 5, 2015 - 9:00am

Buti na lang, ginawa nang two nights ang From The Top concert ni Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum dahil sold out na ang unang gabi, December 4.

Kaya nagbubunyi ang fans ng Pop Royalty dahil confirmed na ang second night ng concert niya sa December 5! Simula bukas, November 7, available na ang tickets sa second night ng concert ng kanilang idolo.

Lalong natutuwa ang concert performers natin dahil makakapanood sila ng totoong concert performer kay Sarah. Wala kasing duda na magaling na concert performer si Sarah at ang production values ay world-class talaga, huh!

May concert nga si Maja Salvador next week, pero hindi naman talaga siya concert performer, huh! Siyempre, ang pagkembot at pagkadyot niya sa stage ang puwede lang niyang maipagmalaki. Hindi naman teleserye ang gagawin niya kaya hindi siya puwedeng magdrama sa stage, huh! Kaya expect ang pagtaas ng kilay ng totoong concert performers kapag napuno ni Maja ang malaking venue, huh!

Anyway, simpli-simplihan ang dating ni Sarah nang humarap sa entertainment media sa Music Hall sa Metro Walk. Nag-entertain lang siya ng isang tanong sa press dahil mas gusto niyang intimate ang pakikipag-usap. At kami ang naatasang magtanong kay SG.

Anong bago rito sa From The Top? “Umpisahan muna natin sa concept kung bakit tinawag naming From The Top. Ang nakaisip ng title ng show ay si Teacher Georcelle (ng G-Force). Anong gagawin natin this time around? Paano natin maiiba ito sa previous shows na ginawa natin?

“And ako, parang sabi ko, ‘Ano nga ba ang gusto ko talagang gawin?’ Parang medyo nalu-lost kung ano ba talaga ang gusto ko namang ipakita this time. Kasi parang sa previous shows, parang marami-rami na rin ‘yung nai-offer natin.

  “So sabi ni Teacher Georcelle, ‘Alam mo, Sarah, sa tingin ko, nasa transition stage ka. So hinahanap mo pa talaga ‘yung sarili mo?’ No I mean, as an artist kasi, kasi ‘yung title na sinasabi, you’re Pop Star Royalty, it’s just a title na binigay naman ng kung sino lang.

 “So ako ‘yung gusto ko ba ng Pop Star? Ano ba talaga ang plano ko sa sarili ko? For my career. So ‘yun ang sinabi sa akin ni Teacher Georcelle. Why don’t we take from the top? ‘Wow, ang gandang title niyan, huh! From the top!’ So mag-restart tayo and connected din siya sa aim ko. Matagal ko na po itong dream.

 “Kasi when I watch an international show, a foreign act, talagang music nila ang ibinibigay nila! As in, gagawa lang siya ng isang cover, dalawang covers and that’s it! So talagang music nila ang sini-sell nila!

 “Sabi ko, dream ko ‘yan. Pag pumunta ako ng America, tinour ko ‘yan sa ibang bansa, gusto ko, sariling musika ko ang binibigay ko. Pini-perform ko sa stage! So napag-connect-connect po namin.

 “First time na gagawin po namin sa show na ito, magpo-focus ako sa mga aking kanta!” paliwanag ni Sarah.

Sa posters at promo materials, tanging ang concert director na si Paolo Valenciano at musical director na si Louie Ocampo ang nakalagay. Wala bang special guests?

 “Ha! Ha! Ha! Marami pong special guests! Kayo po kung makakapunta po kayo roon!” biro ng Pop Royalty sa amin.  “Wala pa pong final line up ng guests. Kung meron man o wala, surprise  na lang po!” saad pa niya.

Mula sa ginawang albums, mga song na gusto niya pero hindi na-release at sa coming album ang ilan sa kakantahin niya sa FTT. Biro namin sa kanya, parang pumayat siya. Dahil kaya ‘yon sa rehearsals na ginagawa?

“Ha! Ha! Ha! Ang haba ng pause ninyo roon! Ha! Ha! Ha! Nagwu-work out po ako in preparation. Kailangan palakasin ang katawan ko, mentally, emotionally and physically! Ha! Ha! Ha!” sagot ni Sarah na parang alam na ang susunod naming tanong.

Kumusta ba siya emotionally?

 “Lahat ng nangyayari sa buhay natin, parte ‘yan ng growth mo bilang isang tao. Spiritually, mentally, lahat ‘yan!” rason ng Pop Princess.

Kumusta naman ang puso niya ngayon?

 “Ha! Ha! Ha! Okey naman po. Masaya naman po ako. Importante ‘yung titingnan natin ‘yung magagandang nangyayari sabuhay natin. Nagpo-focus tayo sa positive na nangyayari sa buhay natin. Para hindi po tayo nalulugmok!” diin niya.

Teka, nalugmok na ba siya?

“Hindi, Sir. Lahat tayo, ‘di ba po? We should count our blessings and appreciate and thank God for every blessing, ‘di ba, po?” deklara ni Sarah.

Anyway, presentors ng FTT ng Cebuana Lhuillier, Globe, Oppo, Jolibeee, Belo Essentials, JAG, Manulife, Xeleb.

                                                                     

ACIRC ANG CONCERT FROM THE TOP NATIN NBSP NIYA POP ROYALTY SARAH SIYA STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with