Dahil sa pagiging playboy noon? John seloso sa mga anak!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - October 20, 2015 - 10:00am

Selosong ama raw si John Estrada, who, in his younger years, was a confirmed playboy. At alam daw ito ng kanyang tatlong dalaga kay Janice de Belen.

Ganunpaman daw, hindi niya ito pinagbabawalang magpaligaw, o, ‘di kaya, magkaroon ang mga ito ng boyfriend.

Naturally, he wouldn’t want any of the three to end up an old maid.

“Ang gusto ko lang, igalang sila ng lalaking manliligaw sa kanila. At dapat ding matinong lalaki ang mapili nila. At higit sa lahat, marespeto.

“Actually, hindi lang sa kanila, kung hindi ma­ging sa aming mga magulang nila,” tuloy pa ni John.

Lucky daw siya, dahil mababait ang kanyang mga anak.

Yes, including his only son with Janice.

Sa kasalukuyang asawa, former Miss Earth Priscilla Meirelles, mayro’n five year-old-daughter si John.

Tinanong ni Boy Abunda sa kanyang show, Tonight With Boy Abunda, kung anong nararamdaman niya na magkakasama sa series na Be My Lady, starring together for the first time real-life sweethearts Erich Gonzales and Daniel Matsunaga, sina Janice at Priscilla, John pleasantly replied: “Basta ang alam ko, they are both professionals.”

John is currently busy with a new series. Walang Iwanan, which started airing Monday.

Directed by James Pobocan, Walang Iwanan co-stars John with five to child actors, Louise Abuel, Michael Laurente, John Michael, Raikko Mateo at Karla Cruz.

John’s fellow adults in the cast are Jhong Hilario, Boots Anson-Roa, Beauty Gonzales, Nicco Manalo and comebacking actress Roxanne Guinoo.

Direk Mae game na gawing pelikula ang lovelife niya

Sa totoo lang, puwedeng isapelikula ang buhay pag-ibig ng director na si Mae Cruz Alviar na siyang magdidirek ng soon-to-be released flick, Every Day I Love You.

The film, starring the loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano, together with Gerald Anderson, is produced by Star Cinema.

It will open in cinemas nationwide October 28.

In any case, when we told Direk Mae about the possibility na maisa-pelikula ang kanyang lovelife, ang kanyang rection, “why not?”

We suggested to Direk Mae na ang i-assign to do the story and script ng kanyang buhay pag-ibig ay si Vanessa Valdez of the Creative team ng Star Cinema.

Si Vanessa ang sumulat ng istorya at script ng Everyday… at ng recent blockbuster na The Love Affair, which starred Richard Gomez, Dawn Zulueta at Bea Alonzo.

Si Bea raw ang gugustuhin ni Mae na gumanap ng kanyang papel, if ever. At si John Lloyd Cruz naman ang choice niya to play the role ng kanyang husband.

Ate Vi mag-a-anim na dekada na umaarte

Habang si Gloria Romero, 81, ay nasa showbiz na sa higit na anim na dekada, something like 53 years naman si Batangas Governor Vilma Santos.

Unlike Ate Vi, though, who is running for Congresswoman for the lone district of Lipa City, Gloria has never ventured into any other profession or business.

Tuluy-tuloy ang kanyang pag-a-artista. Although, hindi rin tuluyang namaalam si Ate Vi, lalo’t sa pelikula.

Right now, we all know, kasama siya sa All My Life ng Star Cinema, co-starring her with Angel Locsin and Xian Lim.

Gloria, whose real name si Gloria Galla (he later married actor Juancho Gutierrez, now in the great beyond), was discovered by the late Dr. Perez, habang umaapir na ekstra sa Sampaguita Pictures.

Ang kanyang screen surname na Romero ay hango sa apelyido ng the late Eddie Romero, kilalang director in his time.

Rosa Vilma Santos naman ang tunay na name ni Ate Vi.

She was auditioning for a possible role as a child performer in any Sampaguita Pictures movie, when the late Dr. Perez spotted her and chose her to do the title role in Trudis Liit.

Happy Birthday…

Personal: Happy birthday to Direk Joey Javier Reyes, Beth Galena and Chelo Banal-Formoso, who all turn a year older today.

ACIRC ANG ATE VI DIREK MAE DR. PEREZ JANICE JOHN KANYANG SAMPAGUITA PICTURES STAR CINEMA WALANG IWANAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with