Final answer Angelica tiyak dismayado, Mayor Duterte hindi talaga kakandidatong presidente

Tiyak na ikinalungkot ni Angelica Panganiban ang desisyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na huwag kumandidato bilang pangulo ng bansa sa eleksyon sa 2016.

Sinabi kahapon ni Papa Rudy ang kanyang final decision na ikinadismaya ng mga nagsusulong at umaasa na siya ang magiging next president ng Pilipinas at tatanggapin niya ang hamon.

Sa mga artista, kabilang si Angelica sa mga nag­deklara na ang kandidatura ni Papa Rudy ang susu­portahan niya pero malabo nang mangyari.

Bossing kilig na kilig ‘pag binabati ng ‘happy wedding’

Hindi lang ako ang nakapansin na parang kinikilig sa tuwa si Vic Sotto sa tuwing tinutukso ito tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Pauleen Luna.

Nagliliwanag ang mukha at natatawa si Bossing kapag binibiro siya at nangyari ito noong Sabado nang mag-dialogue ng “Happy wedding bossing” ang matandang babae na nabigyan ng tulong ng Eat Bulaga sa Juan for All, All for Juan.

Ang reaksyon ni Bossing ang ebidensya na in love na in love siya kay Pauleen at ready nang magpakasal sa pangalawang pagkakataon.

Natutuwa ang mga tao kay Jose Manalo dahil siya at si Joey de Leon lamang ang malakas ang loob na tuksuhin si Bossing tungkol sa lovelife nito.

Ang AlDub at ang love story nina Bossing at Pauleen ang mga sinusubaybayan sa Eat Bulaga, lalo na nang i-reveal ni Bossing na engaged na sila ng kanyang dyowa.

Dating Starstruck avengers, malaki ang iginanda

Marami ang nag-abang kahapon sa pagsisimula ng Starstruck VI na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes bago ang 24 Oras.

Nasabik ang mga tao sa Starstruck na hinintay nila at isang taon na pinag­han­daan ng production staff.

Eksaktong 5:45 pm nang umere kahapon ang Starstruck VI at ang host na si Dingdong Dantes ang unang bumulaga sa lahat.

Twelve years nang host si Dingdong ng reality-based artista search ng GMA-7 at tulad ng past winners ng Starstruck, marami na ang mga pagbabago na naganap sa buhay at career niya.

Ipinakita sa unang episode ng Starstruck ang mga audition video nina Mark Herras, Megan Young, Miguel Tanfelix, Katrina Halili, Jenny­lyn Mercado, Aljur Abrenica, Mike Tan, LJ Reyes, Sheena Halili, Rocco Nacino, etc.

Ibang-iba ang mga itsura noon ng mga nabanggit na artista dahil mga bagets pa sila at fresh na fresh ang mga aura.

Hindi maitatanggi na malaki ang iginanda nila ngayon kesa noon dahil nag-improve ang kanilang mga physical appearance.

Walang mag-aakala na magiging Miss World si Megan dahil plain na plain ang kanyang itsura nang mag-join siya noon sa Starstruck.

Patpatin pa si Mike Tan na tinalakan ni Douglas Nieras dahil hindi siya makasunod sa instructions. Ngayon, leading man na si Mike sa mga teleserye ng GMA-7.

Natawa ako sa sinabi ni Jennylyn na hindi siya maganda, confident lang.

Judge ng Starstruck VI si Jennylyn at mga journey host sina Mark, Miguel, Rocco at Kris Bernal.

 

Show comments