Jodi tutok na tutok din sa pagkikita ng AlDub!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - September 6, 2015 - 10:00am

Hindi talaga matatawaran ang tinatawag na AlDub Fever dahil kahit sino ang nahahawa na nito.

Nitong nakaraang Sabado lamang, nakatanggap ng higit na 5.8 million tweets ang hashtag na #AlDubBattleForACause at tinalo na nito ang na-set nitong record noong nakaraang August 29 na 3.5 million tweets sa hashtag na #AlDubMaiDenHeaven.

Dahil sa nakakalokang twist ng episode ng kalye­serye noong Sabado, pati ang ibang artista ng kalabang network ay nakatutok din sa mangyaya­ring pagkikita nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.

Isa na rito ay si Jodi Sta. Maria o mas kilala bilang si Amor Powers ng Kapamilya teleserye na Pangako Sa ‘Yo.

Nag-tweet talaga siya noong Sabado na kinilig siya sa nangyayari sa KalyeSerye, lalo na noong magkita na ang dalawa.

Heto ang kanyang tweets:

“Si Lola… KJ! Ang saya nito! Kinilig ako!”

“Waaaaah!!! Nagkita na silaaaaaa!!!”

At least si Jodi, hindi niya tinatago ang katotohanan na kinaaliwan niya ang KalyeSerye and who knows? Baka isa na rin siyang AlDub fan.

Wala namang masama kung manood at i-tweet ng ibang mga artista na pinapanood nila ang Kal­yeSerye.

Good vibes lang at pampawala ng stress sa trabaho ang mapanood sila Alden, Yaya Dub, Lola Nidora (Wally Bayola) at iba pang characters ng Kal­yeSerye.

Gustong makatatlo bago mag-35 Kate Middleton, buntis na naman?!

Balitang buntis na naman daw ang Duchess of Cambridge na si Princess Kate Middleton sa ikatlo nilang anak ni Prince William.

Kakapanganak lamang ni Kate four months ago sa ikalawa nilang baby na si Princess Charlotte.

Gusto raw kasi ng prinsesa na makaapat silang anak ni Prince William bago siya umabot sa edad na 40. Ngayon ay 33 years old na si Kate.

Pero tikom ang bibig ng palasyo sa tunay na kalagayan ngayon ni Princess Kate.

Sa isang report, nakaranas ng postpartum depression ang prinsesa pagkatapos nitong manganak kay Princess Charlotte.

ACIRC ALDEN RICHARDS AMOR POWERS ANG DUCHESS OF CAMBRIDGE JODI STA KATE PRINCE WILLIAM PRINCESS CHARLOTTE SABADO YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with