Dinadaya ang sarili, aktres expert sa pag-i-edit ng kanyang pictures na ipino-post sa social media!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 4, 2015 - 10:00am

Buking na photoshopped ang sexy picture ng isang aktres dahil ma­­­­syu­­ba siya sa personal at malayung-malayo sa slim body niya sa kumalat na litrato.

Mahihirapan na mag-deny ang aktres dahil nagmumura ang mga hita  niya sa isang recent tele­vision guesting.

Hindi na bago ang pagreretoke ng mga litrato ng mga artista lalo na kung gagamitin ito sa mga  magazine cover.

In fairness sa aktres, wala itong kinalaman sa pagretoke sa kanyang litrato. Ang editor ng magazine ang may suggestion na paliitin ang kanyang mga hita at ibang parte ng katawan.

At least, hindi kaliga ang aktres ng another actress dahil ito mismo ang nagreretoke ng mga litrato na ikinakalat sa social media. Nalaman ang gimik ng aktres dahil maliit ang mga braso nito sa picture na inilabas niya na ibang-iba sa same photo na naka-post sa social media account ng kanyang dyowa.

Arnell naloka sa traffic

Nag-emote kahapon si Arnell Ignacio dahil kabilang siya sa maraming tao na nagdusa sa sobrang trapik kahapon sa Greenhills area.

Located sa Greenhills ang condo unit ni Arnell na walking distance sa Greenhills Shopping Complex.

Kahapon ang get-together ng mga miyembro ng Liberal Party na nagpakita ng suporta sa kandidatura ni DILG Secretary Mar Roxas sa 2016.

Ginanap ang get-together sa Greenhills restaurant na hindi kalayuan sa condominium buil­ding na inuuwian ni Arnell na nagkataon na nasa kalye kaya naranasan niya ang nakakaloka na traffic situation na sinabayan ng paglabas ng mga estudyante na nag-aaral sa school na malapit din sa kanyang bahay.

Dumalo si P-Noy sa LP gathering at sa entourage pa lang niya, masikip na agad ang mga kalsada sa bawat sulok at paligid ng Greenhills Shopping Complex.

Gina Alajar nabahala sa kasamaan ni Donita

Feeling sad na ang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia dahil matatapos na ang Let The Love Begin sa darating na Biyernes.

May dahilan para malungkot ang fans ng dalawa dahil nasanay na sila na gabi-gabing napapanood ang teleserye ng GMA-7 na pinagbibidahan ng kanilang mga idol.

May balita na nabahala si Gina Alajar dahil nagiging dark na ang kuwento ng teleserye nina Ruru at Gabbi kaya kinausap niya ang mga writer.

Si Gina ang direktor ng Let The Love Begin at isa siya sa mga nakapansin na sagad na sa buto ang kasamaan ng karakter ni Donita Rose kaya may-I-call niya ang atensyon ng writers ng teleserye.

Korina todo ang pagsuporta sa sangkabaklaan

Dumagsa kagabi sa Smart Araneta Coliseum ang mga beki na hindi pinalampas ang Keribeks, ang First National Gay Congress na dinaluhan din ng mga sikat na showbiz personality.

Una kong narinig ang National Gay Congress kay Korina Sanchez nang magpatawag ito ng Thanksgiving lunch dahil mataas ang rating ng Rated K, ang Sunday primetime show niya sa ABS-CBN, ilang buwan na ang nakalilipas.

Na-late nang dating si Mama Koring sa mee­ting place namin dahil nakipag-usap pa siya sa mga opisyal ng iba’t ibang samahan ng mga beki sa Pilipinas.

Excited na ikinuwento ni Mama Koring ang tungkol sa First National Gay Congress na natupad kahapon dahil sa tulong at suporta niya.

Walang halo na pulitika ang pagiging abala ni Mama Koring sa National Gay Congress dahil pinag-usapan at nabuo ito noong hindi pa tinatanggap ni Papa Mar ang hamon ni P-Noy na siya ang ilalaban ng Liberal Party sa presidential race sa susunod na taon.

ACIRC ANG ARNELL DAHIL FIRST NATIONAL GAY CONGRESS GINA ALAJAR GREENHILLS MAMA KORING MGA NIYA SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with