Heart ayaw nang ma-bash!

MANILA, Philippines – Maraming fans ni Heart Evangelista ang natuwa sa sagot niya sa comment ng isang fans sa Instagram post niya.

Ang comment kasi ng fan ni Heart sa picture na pinost ng TV host/actress sa kanyang IG account ay “Ur way better than Marian”.

Sa reaksiyon ni Heart, parang sinabihan niya ang fan na huwag mag-comment ng ganoon at baka mag-start na naman ‘yon ng something at “her fans are very bad and I don’t wanna get bashed. thank you.”

Pero marami rin naman ang nag-worry sa sagot ni Heart sa kanyang fan na nag-comment dahil sa sinabi niyang very bad ang fans ni Marian ay tiyak na lalo siyang maba-bash.

Marian hindi pinatulan si Heart

Inaasahan naman ng marami na hindi na papatulan ni Marian ang ganoong comment ni Heart tungkol sa kanyang fans.

Sabi kasi ni Marian sa interview niya sa presscon ng bago niyang show sa GMA-7, ayaw niya ng anumang negative at mas gusto niyang mag-focus sa pagiging misis sa mister na si Dingdong Dantes at sa magi­ging anak nila.

Mas gusto raw ngayon ni Marian na maging positive sa lahat ng bagay.

Kapuso network, makabawi na kaya?!

Going back to Heart, inaasahan ng loyal fans ng Kapuso network na ang primetime teleserye nila ng best friend niyang si Lovi Poe ang magsasalba sa primetime slot ng GMA-7.

Marami kasi ang nakakapansin na masyadong inilalampaso ng primetime series ng ABS-CBN ang shows ng Kapuso network.

With Beautiful Strangers na malapit nang mapanood sa Siyete, mukhang makakabawi na sila.

Positive ang feedback sa trailer ng Beautiful Strangers at parang napakalaki ng nasa­bing teleserye sa pagkakasama roon nina Christopher de Leon at Dina Bonnevie.

Regine at Sarah sumugod sa Cebu!

Spotted sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo sa Philippine Airlines flight pa-Cebu kahapon nang hapon.

Si Regine ay a-attend sa Queen of Cebu event ng fashion designer na si Carrie Santiago at hindi ko lang sigurado kung ano ang gagawin doon ni Sarah na kasama ang inang si Mommy Divine.

Kasabay nila sa flight ang businesswoman/philantropist na si Ms. Pinky Tobiano.

Show comments