AlDub kinukulit!

Sa pagpatok ng loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) na nagsimula sa Eat Bulaga segment nina Lola Nidora (Wally Bayola) kasama sina Jose Manalo, at Paolo Ballesteros na laging trending, nagdi-demand agad ang fans ng dalawa na pagsamahin sila sa isang sitcom.

Pagbigyan kaya ng GMA Network ang kakulitan ng fans ng dalawa na inaabangan lagi sa kilig na hatid ng AlDub team plus ang paghihigpit pa ni Lola ni Dora? Magandang technique ang ginagawa ng Eat Bulaga na laging tinatakaw ang manonood nina Alden at Yaya Dub. Hindi nila inu-overexpose ang kakulitan ng dalawa na dapat gawan na ng magandang istorya dahil laging naghahanap ng bagong kaganapan ang kanilang fans. 

Biglang naging crush ng bayan si Alden na dapat magpasalamat kay Yaya Dub. Wala rin naman sa kamalayan ni Maine na mas lalo pang tatangkilin ang kanyang pagiging Dubsmash Queen . Unang pinasikat ni Nicomaine Dei Capili Mendoza (real name ni Maine) ang katagang “GL” sa Eat Bulaga na ang ibig sabihin ay “ganda lang”.

Lalo namang nagpapapogi si Alden sa kanyang dimples at pagpapa-cute kay Yaya Dub.

Show comments