Mga eksena sa Second Chances mas inaabangan

(Pang-masa) - March 30, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Pinagalitan ni Rebecca (Camille Prats) si Billy (Joshen Bernardo) dahil sa pag-iingay nito sa pinto. Gusto nang umalis ni Billy pero lalong magagalit si Rebecca.

Kasama si Jerome (Rafael Rosell) ng mga pulis na nagpunta sa mansion nina Federico (Roi Vinzon) dala ang search warrant para hanapin si Rebecca. Tutol man sa umpisa pero wala ring nagawa si Federico.

Ibinalita ni Sam kay Dustin (Marc Abaya) ang pagkamatay ni Colleen (Chynna Ortaleza). Shocked si Dustin. Isinama siya ni Sam sa burol ni Colleen at makikilala niya si Bernard (Raymart Santiago). Kakabahan si Bernard dahil alam niyang siya ang tunay na ama ni Billy. Darating si Lyra (Jennylyn Mercado), magugulat sila pareho ni Dustin pagkakita nila sa isa’t isa.

Hinatak ni Rebecca si Billy papunta sa banyo para paliguan. Ayaw ni Billy, iyak siya nang iyak. Magagalit si Rebecca at ilulubog ang ulo ni Billy sa ilalim ng tubig sa bath tub.

Magkakausap sina Lyra, Dustin, at Bernard. Hindi pa rin sinasabi nina Bernard at Lyra na si Dustin ang tunay na ama ni Billy. Nang malamang si Rebecca ang posibleng pumatay kay Colleen ay maikukuwento na rin ni Dustin ang pagpatay ni Rebecca kay Chloe. Lalong kakabahan sina Lyra at Bernard para kay Billy.

Pilit inilulubog ni Rebecca ang ulo ni Billy sa ilalim ng tubig. Billy tries to struggle pero wala siyang laban kay Rebecca. Tuloy naman si Rebecca sa paglunod kay Billy.

Wala na ito sa sarili. Ano ang mangyayari Billy.

Mas dapat abangan ang mga susunod na pangyayari sa mga umiinit na tagpo sa Second Chances gabi-gabi sa GMA 7.

 

ANG BILLY CAMILLE PRATS CHYNNA ORTALEZA DUSTIN FEDERICO JENNYLYN MERCADO JOSHEN BERNARDO MARC ABAYA RAFAEL ROSELL REBECCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with